Things will not always go on your way

June 20, 2013
Learn to accept it. Minsan kasi ang tao ang daming gusto. Gusto ko ganun, gusto ko ganito. Unlimited ang gusto pero hindi naman lahat uubra. Hindi lahat ng gusto ay pwedeng mangyari. Idealistic kasi minsan ang tao. Lahat nagiisip ng positibo. Pero hindi naman lahat ng oras ganun. May mga nangyayari na hindi mo inaasahan. Kahit ilang beses mong planuhin may mali at palpak pa rin. Wala nga naman kasing perpekto. Ang gusto ng bawat tao ay magkaroon ng maayos na buhay. Maayos na pamumuhay. Dapat maging handa lang. Expect mo na hindi lahat ng bagay ay aayon sa gusto mo. Hindi pwedeng gusto mo lang ang isipin mo. Paano naman ang iba? Isipin mo rin ang nakakabuti sa ibang tao. Hindi lang ikaw ang masusunod. Para rin naman sa ikakabuti mo yun. Maging flexible ka. Lagi ka dapat may nakahandang solusyon at wag ka nang magsayang ng oras sa pagrereklamo. Hindi naman makakatulong sa’yo yun.

Ang buhay naman ng tao unpredictable. Hindi mo alam kung ano ang susunod na eksena.

No comments:

Powered by Blogger.