Sorry FB

June 01, 2013
Hi Future ko,

Kamusta? May ginawa akong kasalanan kagabi. Ewan ko kung matatwag mo bang kasalanan yun pero para sakin isang kasalanan nga yun. Lumabas kami ng friend ko, babaeng kaibigan just to set things straight. Di na kasi kami nakakapag party or clubbing. Nagpunta kami sa isang bar. Siyempre di mo maiiwasan na mag mameet kang mga boys. Di naman kasi namin ginusto na mag boy hunting or makipagharutan doon. Gusto lang naman namin eh sumayaw at uminom. Aaminin ko na madami akong nainom. Sorry. :( Nalasing ako tapos di ko namalayan may kasayaw na pala akong lalaki. Wala naman kaming ginagawang masama kasi nga nagsasayaw lang kami. Sinubukan niyang hawakan yung pwet ko pero dahil nakikiramdam ako, hindi siya nagtagumpay. He asked for my number at sa kasamaang palad eh naibigay ko. Wag ka mag alala dahil pag nagtext siya di ko naman siya papansinin kasi ayaw ko na magselos ka. Pagkatapos pala namin magsayaw eh umupo kami sa couch at nagkwentuhan. OO nga pala di lang kaming dalawa ang nandun kasama ko din yung friend ko at yung boylet na nameet niya. To tell you honestly, di ko hinalikan yung guy. Baka kasi isipin mo na porket may kasalanan ako eh yun na yung nahalikan ko yung guy as in lips to lips, gums to gums. Peck lang naman yung nagyari. It's not a real kiss. Wag ka magpanic. Wag mo kong murahin. Sorry talaga. Di na mauulit. SORRY!! :((


Ako pa kaya ang Future mo?
KIM

No comments:

Powered by Blogger.