Eye Opener
Sa isang relasyon hindi naman lahat ng pagkakataon ay nagkakaintindihan kayo o pinagkakasunduan niyo ang lahat ng bagay. Kasama na sa relasyon yung pag-aaway, hindi pagkakaintindihan, tampuhan na nagiging dahilan para masaktan niyo ang isa’t isa. Wala namang pagaaway ang hindi nadadaan sa isang magandang usapan. Lahat naman pwede masettle kung bukas lang ang puso na makinig sa mga paliwanag at umintinidi. Nauunahan kasi ng galit at inis paminsan kaya umaabot sa bangayan. Tumatagal pa ng ilang araw ang away. Kung pwede namang ayusin kaagad. Bakit hindi.
Hindi lang naman pwedeng sarili mo lang ang iispin mo. Kailangan mo ring isipin ang bf/gf mo. Hindi na dapat pinapagana ang pride at naguunahan pa kung sino ang unang makikipagusap. Tinitiis pa ang isa’t isa. Walang mangyayari. Mas maganda na sa inyong dalawa mismo na manggaling na gusto niyo nang ayusin ang problema.
Kailangan lang tanggapin ng bawat isa na dadating yung time na magkakaconflict kayo. May mga individual differences pa rin naman kayo. Makinig ng mabuti sa sasabihin ng bf/gf hindi yung hindi pa tapos magsalita eh sisingit ka na. Magsalita ng mahinahon. Hindi naman lahat ng bagay maidadaan sa sigaw. Hindi naman masamang magtanong wag lang yung parang pinagduduhan mo na yung bf/gf mo. Higit sa lahat kung ano man ang pinagaawayan niyo sa huli dapat handa pa rin kayong umintindi sa bawat isa. May common goal pa rin kayo sa huli which is magkabati at magkaayos.

No comments: