Future Husband

June 13, 2013
Future Husband,

Siguro pag tumagal-tagal na ‘yung relasyon natin, at matagal na tayong magkasama, talagang magiging komportable na tayo sa isa’t-isa. Minsan hindi na natin mapapansin na unti-unti na tayong nagbabago. Hanggang sa isang araw makikita nating ibang-iba na pala tayo kumpara noon. Tsaka natin maaaring sasabihin na “Namimiss ko na yung dating ikaw.”

Pag pinili na kita, at sumumpa na ‘kong ikaw at ikaw nalang ang mamahalin ko buong buhay ko, maaaring sabihin ko rin ang katagang ‘to. Pag mapapansin kong hindi ka na ganun ka-sweet, pag mararamdaman kong hindi ka na ganun kaalaga o maintindihin. Siguro masasabi ko ring miss ko na ang dating ikaw na sweet at maalaga.

Pero ito lang ang masasabi ko. Hinding-hindi maiiwasan na magbago ang isang tao habang lumilipas ang panahon. Pero pag ako nangako sa Diyos at sa’yo na mamahalin kita, wala nang atrasan ‘yun. Sa pangakong ‘yun, kasama na yung dating ikaw at yung bagong ikaw. Hindi kita iiwan o papalitan dahil lang nagbago ka. “I will love you in all your forms.” Hindi ko lang mamahalin yung cute na ikaw o yung mabait na ikaw. Mamahalin ko rin yung masungit na ikaw, mainit ang ulo na ikaw, nagkakamaling ikaw, mahinang ikaw. “I will be here to watch you grow.” Magbago ka man ng magbago, ikaw at ikaw parin yung taong pinili kong mahalin. Hindi ko iindakin kung sino ka noon, sino ka na ngayon, o kung sino ka sa hinaharap, pag sumumpa na kong mamahalin kita, hindi lang yun sa kung ano ka ngayon, kundi pati narin sa future, maganda man o pangit na pagbabago. Pag binigay ka na sa’kin ni Lord, aalagaan at mamahalin kita ng walang halong pangamba o pagdududa. Andito lang ako sa likod mo, susuportahan kita sa journey mo, susubaybayan ko ang pag-evolve ng pagkatao mo. Kaya wag kang matakot kung minsan maisip mong nawawala na yung sarili mo. You don’t have to stay the same para panatilihin ang pag-ibig ko. Mananatili yun sa lahat ng pagbabago mo habang tunatanda tayo. Hindi na mahalaga kung ano ang ugali mo o hitsura mo, ngayon o bukas, ang pangako ko ay iisa. Yun ay ang mahalin ka buong buhay ko. Tandaan mo yan.

No comments:

Powered by Blogger.