Nakakapagod
Hindi ka ba napapagod? Di ka ba nagsasawa? Ganyan na lang ang routine mo araw araw? Kunware masaya ka sa umaga, pero sa gabi, iyak ka ng iyak. Di ka ba nahihirapan magtago? Sa tuwing iiyak ka, kailangan tulog muna silang lahat para di ka nila makita.
Nakakamiss din lumabas ng bahay na nakangiti ka. Yung totoong ngiti. Yung hindi ka nagkukunwari. Nakakakonsensya na din kasi. Niloloko mo yung mga mahahalagang tao sa buhay mo, wag lang silang madamay sa problema mo. Ayaw mo silang maawa sayo. Kasi kilala nila na malakas ka, kahit deep inside, mahina ka.
Pero alam mo? Pwede ka naman maging mahina kahit minsan. Hindi porket umiiyak ka eh mahina ka na. Ibig sabihin lang nun ay naging malakas ka na ng matagal, kaya ka umiiyak kasi di mo na kaya. Pero babangon at ngingiti ka pa din sa kanila pagka punas mo ng mga luha mo.
Balang araw, mapapalitan ng masasayang alaala ang mga gabing umiiyak ka. Magiging masaya ka din ulit, wag ka lang susuko.
No comments: