Quiet Place
Sa mga panahong kelangan ko ng kausap dito ako Loyola Memorial Park pumupunta. Binibisita ko si Gian.
OO nga pala hindi ko pa pala naikukwento kung sino si Gian. Si Gian ay yung yumao kong boyfriend. 17 years old ako nung unang naging kami. First boyfriend ko siya. Galing ako sa all girls school at siya naman eh sa sa all boys school. Siya nga yung first love ko eh. Naging masaya kami sa piling ng isa't isa. 2008 na yata yung pinakamalungkot na taon ng buhay ko coz that's the time that he died. That time mag 1 year and 6 months na kami. He loves making surprises. Hindi ko alam na pupunta pala siya ng Baguio para bumili ng favorite kong Star Gazer at UBE jam na tinitinda nung mga madre dun. Nalaman ko nalang na naaksidente siya. Bumanga yung car niya sa isang truck and base sa report eh yung truck yung nakabangga sa kanya.
Gumuho yung mundo ko nung nalaman ko yun. Parang gusto ko nang magpakamatay kasi sobrang sakit. Ang unfair lang kasi kung kelan ang saya ko na at nagsisimula na kaming bumuo ng aming pangarap ni Gian eh bigla naman siyang mawawala. It took me almost a year to recover from the pain and heartache. Inisip ko nalang na may purpose si Lord kaya nangyari ang lahat. Aaminin ko na hanggang ngayon eh namimiss ko pa rin siya pero kelangan mag move on eh. Hindi naman kasi pwedeng forever nalang akong mabubuhay sa aking nakaraan. Kaya ang ginagawa ko nalang sa mga panahong wala akong makausap eh pinupuntahan ko siya dito sa puntod niya. Kinakausap ko siya na parang buhay lang siya. At habang nagsusulat ako ng blog ko ngayon eh nararamdaman kong nasa tabi ko lang siya. Alam ko naman na masaya siya sa kung anong nangyayari sa buhay ko ngayon eh.
Nakakamiss lang. At least sa mga panahong malungkot ako eh may natatakbuhan ako. Hindi ko naman hinihiling ng ibalik yung nakaraan eh kasi kung ibabalik ko yung nakaraan eh di hindi ako magiging masaya ngayon sa piling ng mahal ko. Naiiyak ako habang nagsususlat ako ng blog ko. Lahat ng sama ng loob ko at lahat ng nararamdaman ko eh ibinuhos ko na sa kanya kani kanina lang. Dito muna ako siguro magpapalipas ng ilang oras. I need some quiet time alone with him.
Maraming salamat Gian. Salamat sa pagmamahal mo at sa pagturo sakin pano magmahal. Masaya ako ngayon at alam kong gusto mo akong nakikitang masaya. Till we meet again Gian.

No comments: