Soulmate

June 29, 2013
Sabi sa census may labing isang million na tao sa Metro Manila. Sa dinamirami ng taong yon paano mo kaya malalaman na nahanap mo na yung taong para sayo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tignan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya, pero humarang yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na nila yung taong para sakanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap e yung nasa’yo na pinakawalan mo pa. Pero pano nga kaya no? kung isang beses lang dumarating sa buhay mo ang para sa’yo? Palalampasin mo pa ba? Kahit nasa harap mo na?



Soulmate, to find someone whom you would spend the rest of your life with.  Pero possible nga kaya yun? na sa dinamirami ng tao sa mundong ginagalawan mo ay may isang taong talagang para sayo, kumbaga meant to be.  Makikilala mo kaya yung taong iyon against all odds? Isn’t it too hopeless romantic? ang mga taong naniniwala sa konsepto ng soulmate. Yung tipong iba ang mindset nila about love. Naniniwala ako sa soulmate, pero hindi naman siguro ako hopeless romantic. At sa araw araw na ginawa ng Diyos, iba’t ibang tao na din ang nakakasalamuha ko. Katulad ng mga nakakasakay ko sa jeep, pwede mong piliin ang lugar na uupuan mo pero hindi mo mapipili ang taong tatabi sa’yo. Paano kaya kung yung katabi ko siya pala ung soulmate ko, o di kaya yung kaharap ko, or pwede ding yung taong kabababa lang. Minsan nga naisip ko din, paano kaya kung ung crush kong singer na si Brandon Boyd, siya pla ung soulmate ko. Weird right? possible nga kaya ang mga ganung bagay, na parang sa mga movies, books at fairytales mo lng makikita at mababasa. E paano mo nga kaya malalaman kung yung taong gusto mo, e siya na pala yung soulmate mo. Siguro may mga bagay na lang na kusang mangyayari, tas masasabi mo nalang na siya na pala yung soulmate mo. Mga bagay na magpapatunay na para nga kayo sa isa’t isa. Sigurado it would take time, pero diba nga almost everything na hihihintay ay worth it. Pero gaano nga ba katagal ang dapat mong hintayin para sa soulmate mo? mag hihintay ka ba nang matagal na panahon? would you risk your time just to wait? Sabagay kung worth it naman talaga, bakit hindi. And I think, possible din kaya na yung first love mo, siya yung soulmate mo? diba nga first love never dies, kaya siguro hindi namamatay ang first love dahil nag rereincarnate ito.  Kasi diba, first love hurts most. Marami ako nakikilalang grabe silang sinaktan ng first love nila, yet na survive nila yun. With that maaari kayang makikilala mo ulit yung first love mo, not literally na magkaparehong tao pero marami silang pagkakapareho, physically, mentally, and emotionally or in some cases magkaiba sila, I mean talagang opposite yung ugali nila, it makes sense diba? Pero ano yung dahilan para mag dive in ulit sila sa buhay mo? para mainlove ka ulit sa kanila? or para ituwid ang ginawa nilang pananakit sa’yo emotionally? Maybe it’s a God’s gift para baguhin ang impression mo sa first love. Diba nga, different gifts comes in different packages. First love at soulmate, there’s really something between those two. Pwede din kaya, na yung soulmate mo ay iba sa makakatuluyan mo? makikilala mo yung soulmate mo, pero iba yung taong makakatuluyan mo at makakasama for the rest of your life. Kung ganun lang din, para san pa na nakilala mo yung soulmate mo? Maybe ang pagkakakilala mo sa soulmate mo ay may special reason, a reason for you to find out kapag nakilala mo na ang soulmate mo.

No comments:

Powered by Blogger.