Malungkot

June 14, 2013
Hindi maganda ang araw ko. Nalulungkot ako. Nasa Asian Hospital ako ngayon. I got admitted for Severe Hypoglycemia. Super low blood sugar. Masaya naman ako kaninang umaga. Magkita kami nung friend ko tapos nanood kami ng NBA then nag ATC kami tapos nag timezone. Pero nagalit sakin si Bf kasi kasama ko yung friend ko. Umuwi ako sa bahay. naglabas ako ng sama ng loob kay Kat. Tinext ko si Bf pero hindi sumagot. Deadma lang siya. Ang sama bigla nung naramdaman ko tapos humiga ako sa bed kasi yung puson ko parang pinipiga yung feeling. Sobrang sakit at di pa ako makatayo ng bed. Last na naalala ko eh nag cr ako. Tapos pag gising ko kanikanina lang eh nandito na pala ako sa hospital. 

Ayaw na ayaw ko talaga ang feeling ng nasa hospital. Ang lungkot kasi lalo na naiwan nanaman akong mag isa. Si Kat umuwi na kasama yung bf niya. Gusto kong itext si Bf kasi gusto ko mag sorry sa kanya pero sa tingin ko galit siya sakin. Nalulungkot ako plus natatakot ako kasi yung mga nurse dito feel ko kakainin ako ng buhay. Di man lang sila n gumingiti. Lalo ng yung na assign na nurse sakin eh mukhang matandang dalaga pa. Sabi ko sa kanya kanina kung pwede na ba akong kumain kasi nagugutom na ako sabi niya 11pm pa daw ako kakain. Nanghihina ako habang nag tatype ako ngayon. Masakit yung right hand ko dahil sa nakatusok na IV. Namimiss ko pa si Bf.  Ano ba yan. Kelangan ko ng makalabas dito bukas. Kasi sa Sunday father's day na. Ayoko na dito magcelebrate kasama si dad kasi malulungkot lang ako ng sobra sobra.

Masama talaga ang pakiramdam ko. Bakit kasi kelangan nila ako iwan dito mag isa. Bukas pa dadating ng umaga si dad pati si tita ko. Di ko na tuloy alam kung bakit ako nag kakaganito. Naiiyak na ako. Feel ko pa ngayon napakalaki ng kasalanan ko kay Bf. Di ko naman masabi sa kanya yung nararamdaman ko kasi hindi ako vocal na tao. Kaya nga lahat nalang sinusulat ko dito. At least nababawasan yung laman ng puso ko. Hayyyy. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito.

No comments:

Powered by Blogger.