Yung Mga Yakap Mo

June 09, 2013
Alam mo ba kung bakit gusto ko yung mga yakap mo?

Kasi feeling ko safce ako kapag lagi mo akong niyayaakap. Feeling ko yung mga worries ko sa buhay nawawala kapag kayakap na kita. Natutuwa yung puso ko kapag niyayakap mo ako. Gustong gusto kong pinakikinggan yung tibok ng puso mo kapag yayakapin kita kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit tumitibok yan ng mabilis. Gustong gusto ko yung mga yakap mo dahil pakiramdam ko eh ako yung mundo mo. Pakiramdam ko na ayaw mo akong mawala kapag niyayakap mo ako. Gustong gusto ko ngang sabihin sayo na, "Pwede bang manatili muna tayong magkayakap? Ang sarap kasi ng feeling." Kapag niyayakap mo ako pakiramdam ko AKO NA ANG PINAKA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY MO bukod pa sa pamilya mo. I feel so special. Kapag kayakap mo kasi ako ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo sa akin. Iniisip ko palang kinikilig na ako. Ikaw kasi eh. >HUG<

No comments:

Powered by Blogger.