LIHAM 3

June 04, 2013
Dear Future Boyfriend,

Umaga na pala at hindi pa ako makatulog. Pinilit kong makatulog kanina pero hindi naman ako inantok. Ayun at nag music lang ako. Naisip kita bigla sa mga oras na ito. Ewan ko kung bakit.

Alam mo ba hindi ba leng walang akong tulog basta ba buong magdamag eh nakatitig lang ako sayo. Hindi din ako magsasawang kasama ka buong araw. Sana ikaw na yung makasama ko hanggang sa pagtanda ko. Sana ikaw na talaga yung taong para sa akin. Sana ikaw din yung taong ibibigay ko lahat ng pagmamahal ko ng walang labis at walang kulang. I can't wait to see you and fall in love with you and of course to be with you.

Sabi ko sa una kong liham na gusto maranasan na maging prinsesa tapos ikaw yung principe ko pero nagbago yung papanaw ko bigla. Wag mo akong masyadong tratuhing parang princesa kasi ayoko masanay sa mga bagay na di naman magtatagal baka kasi magtampo lang ako pag sinanay mo ako sa isang bagay tapos bigla mong babaguhin. Kuntento na ako sa simpleng bagay na kaya mong ibigay o gawin para sa akin. Hindi ko maipapangako na hindi ako magiging sakit ng ulo sa iyo. Aaminin ko pasaway akong bata at hindi din natin maiiwasan ang mag away. (Paulit ulit ko ng sinasabi yan.) Sana kapag nag away tayo eh pag usapan natin ng maayos yung problema at hindi yung nagbabangayan tayo o kaya break up yung gagawiing solusyon. Madalas akong nagkaka mood swings lalo na kapag may period ako kaya sana intindihin mo ako kapag dumating yung ganung time at wag ka sumabay sa mood swings ko. Kapag nagtatampo naman ako lambingin mo lang ako at yung pagtatampo ko eh baliwala na. Pipilitin kong maging mabuting girlfriend para sayo. Pipilitin kong mapasaya ka at mahalin ka sa paraang alam ko. Kapag ikaw naman yung galit o nagtatampo, susubukan kong gawin ang lahat mapakalma ka lang o makitang ngumiti ulit. Remember, lagi akong nasa tabi mo kahit anong mangyari. Susuporta ako sa mga bagay na gusto mong gawin at kahit kelan eh hinding hindi ako magiging hadlang dun.

Alam mo mamahalin talaga kita pag nakita kita. Pag nakita kita, di ko agad malalaman na ikaw pala yan kaya magpakilala ka ha. Yayain mo ako manood ng A Walk to Remember o kaya My Sassy Girl. Kantahan mo ako ng Marry Me by Train. Tapos isama mo ako sa roadtrip papunta kahit saan at siguro naman that way eh makikilala na kita ng lubusan. Alam mo, I didn't settle to anyone less than you. Ikaw talaga yung hinihintay ko kahit sobrang tagal mong dumating. Sana naman hindi ka isa sa mga hindi ko nabigyan ng chance. Gusto ko sanang mag trek kasama ka yung tipong hindi ako matatakot kasi ikaw yung kasama ko. Uulitin ko ulit mula sa unang liham na gusto ko makilala yung parents mo at sana proud mo din akong ipakilala sa mga kaibigan mo. Pwede mo din akong dalhin sa simbahan tapos uupo lang tayo sa loob na nakatingin sa altar. Gusto ko din maglakad lakad, hawakan mo yung kamay ko ha tapos pupunuin natin ng pictures natin itong blog ko. Sana yung relationship natin eh umabot hanggang 75 years yung tipong magkahawak kamay tayo habang pinapanood yung mga apo natin mag take ng first step nila. Isip bata ako at immature kung minsan pero sana maintindihan mo kasi ayaw ko ng commitment at long term relationship pero feeling ko na maovercome ko to pag ikaw na yung kasama ko. Alam ko walang taong perfect at ako mismo madaming flaws pero I want to be your other half, better or bad, I'll still be the other half that completes you.

Hindi man ako yung pin aka maganda, alam ko naman sa sarili ko na na hindi kita lolokohin kahit may nagpaparamdam na iba. Hindi man ako yung girl-of-your-dreams na kinababaliwan ng mga lalaki, sisiguraduhin ko namangdumating man ang panahon na may lalaki sa harap ko eh hinding hindi kita ipagpapalit dahil sa millions and millions of guys all over the world eh ikaw yung mahal ko. Araw araw akong magiging thankful dahil kada gising ko sa umaga alam kong anjan ka at akin ka at alam kong may taong katulad mo na proud dahil ako'y sayo. Gustong gusto na kita makasama at sana dumating ka na.

Magmukha man akong corny sa paulit ulit na pagsulat ko sayo o magmukhang isang Hopeless Romantic eh ok lang. Isipin na nila ang gusto nilang isipin, wala akong pakelam. Eto ang nararamdaman ko eh. Alam ko in  God's time eh magtatagpo din ang mga landas natin.


Lubos na Nagmamahal,
Kim

No comments:

Powered by Blogger.