Bullseye

June 09, 2013
Eto nanaman yung oras na dadalhin ka ng ubod ng kalungkutan. Bullseye nga naman. Eto yung tipong mawawalan ka nalang ng gana sa mga nakapaligid sayo. Yung tipong wala ka ng pakelam kung magreklamo sila kasi nasa iasang sulok ka lang. Yung kahit gutom ka ayaw mong tumayo kasi gusto mo eh magmukmok nalang. Yung palabas sa tv na favorite show mo pa eh wala ka ng pake na kahit nakatutok ka sa tv eh hindi pumapasok sa kokote mo yung pinapanood mo. Na sa halip na natutulog ka na kasi alas 4 medya na ng madaling araw eh buhay na buhay pa ang mga mata mo sa dilim. Nag hihintay ng liwanag ng araw na kahit ang dami mong gagawin eh wala ka pang nauumpisahan kahit isa. Ng dahil sa may iniisip ka di ka nakakagawa ng maayos kasi may mga bumabagabag sa utak mo na nagdudulot ng kalungkutan mo.

No comments:

Powered by Blogger.