ANG MGA BABAE, MASIKRETO

June 13, 2013
Ang mga babae masikreto. Kahit ang pinakatago-tagong kili kili o kaya ang kanilang diary ay sinisikreto nila. Lahat hindi mo pwede malaman. Lalo na kung ang pag uusapan ay ang kanilang feelings. Kahit magpaka Detective Conan ka o kahit tawagin mo si Sherlock wh wala pa rin. Daig pa nito ang Yamashita's Treasure na kahit sa panaginip ay hinding hindi mo matatagpuan o makukuha. Kahit nagagalit na yan di yan magsasalita. Kahit nagseselos na yan tahimik pa rin yan. Kapag nagtatampo yan sayo eh di niyan sasabihin bagkus ipaparamdam niya na agad. Yan ang natural sa aming mga babae kaya sana alam yun ng mga lalaki.

Masikreto ang mga babae kasi alam nila na hindi maiintindihan ng kung sino man ang pinagdadaanan nila. Likas sa kanila ang maging malihim. Tulad ng sinabi ko sa itaas, dapat laging read between the lines. Kapag sinabi nilang "Okay lang ako." Huwag na huwag mo silang sasagutin ng "Yun naman pala eh. Sige may gagawin mo na ako." At kapag tinext ka naman nila  ng "Bahala ka." hindi pwedeng replayan yan ng "Oh yeah. Sige text kita mamaya!" READ BETWEEN THE LINES. Hindi lahat ng naririnig mo at totoo at hindi lahat ng nakikita mo eh dapat mong paniwalaan.

No comments:

Powered by Blogger.