Untitled
Ang sarap pala ng feeling ng mainlove, no? Yung paggising mo sa umaga, masaya ka na agad kasi alam mong may nagmamahal sayo, yung tanggap ka kahit ano ka pa. Tapos siya yung dahilan mo kung bakit bawat araw eh may ngiti sa iyong labi at ningning sa iyong mga mata. Yung kahit pagod ka eh hindi mo gaanong pagtutuunan ng pansin kasi mas nangingibabaw yung kasiyahan na nararamdaman mo. Tapos matutulog ka sa gabi, mahimbing at masarap na tulog ang naghihintay, kasi sobrang ramdam mo na minamahal ka. Yung simpleng message lang na matanggap mo, sobrang saya mo na. Tapos bawat pagsabi ng mga katagang “Mahal kita” kinikilig ka, kasi alam mong totoo yun at nararamdaman mo din naman talaga. Tapos yung panahong magkasama kayo, bago kayo matulog sa gabi, may goodnight kiss sa noo, pababa sa mata, ilong tapos sa labi. Tapos sasabihan ka ng “I love you, ako lang ha? Ikaw lang mahal ko.” Tapos yayakap ng mahigpit. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ramdam mo ng ligtas ka, nakakasiguro ka pang yung nakayakap sayo sa panahong yun, mahal na mahal ka at ayaw mawala sa piling niya, andun na din yung posibilidad na siya na talaga makakasama mo hanggang pagtanda. Tapos paggising mo, maaliwalas ang paligid, siya una mong makikita, tititigan at lalasapin ang mga panahong yun habang magkasama pa kayo. O di naman kaya, paggising mo ay gising na rin siya, tapos nakatingin siya sayo, pinapanood pagtulog mo. Tapos goodmorning kiss at sabi na naman ng “I love you! Good morning!” Mga munting bagay na sobrang nakakapagpasaya at nakakakumpleto sa pagkatao mo. Tapos kapag sa araw naman, kung saan kayo mapadpad walang pagaalinlangan, kasi meron sa inyo yung isa’t-isa, hawak hawak ang kamay o di kaya’y nakaakbay, protektado sa lahat ng masama sa mundo. At sa mga hawak niyang yun sinasabing “Maswerte akong minamahal ko tong taong to.” Kahit ipagsigawan mo sa mundo hindi mo ikakahiya, mahal mo eh. Mahal na mahal.
No comments: