Kamusta Ka Na Kaya?
Matagal na nung huli tayong nagtagpo Ligaya. Naisip ko nga nung mga panahong wala ka (hanggang nagyon) baka iniiwasan mo ko o kaya naman pinagtataguan mo ko pero ayos lang naman lagi naman akong sinasamahan ni Lungkot. Ayaw ko naman talaga siyang kasama pero ayaw niya akong layuan. Madalas niya ding niyayaya si Kamatayan para daw madami kami. Mas madami daw kasi mas masaya. Binibigyang halaga ko naman ang samahan naming lahat kahit hindi kio yun nagugustuhan. Madami naman kasi akong natututunan sa kanila. Muntik ko ng makalimutan, nasa akin pa si Buhay - yung binigay mo sakin. Kaso mula nung umalis ka eh nawalan siya ng gana sa lahat ng bagay. Ayaw na na din makisalamuha sa iba, napabayaan na nya yung sarili nya. Pero wag ka masyadong mag alala kasi tinutulungan ko naman siyang bumalik sa dati at kahit ayaw niyang alagaan ko siya eh pinipilit ko pa din. Muntik na nga siyang mawala eh alam mo ba yun. Minsan kasi umalis siya ng bahay tapos wala naman pala siyang pupuntahan. Loko nga eh nung huminto daw yung sasakyan sa sinasakyan niya bumaba nalang siya - nasakto naman na narinig niya yung paborito niyang kantamula sa isang bar - pumasok siya dun at pinakinggan yung mga sumunod pang kanta. Napainom na din siya dun kahit hindi talag siya umiinom ng alak. Napadami nga ang inom niya eh. Palabas na siya ng bar nun at tatawid sa kabilang kalsada para puntaha ang pinara niyang sasakyan para makauwi na siya dito sa bahay kaso hindi niya napansin na may padating na bus at dahil nahihilo siya noon imbes na bilisan yung lakad niya para hindi siya abutan nung bus eh huminto siya sa gitna. Buti nalang nakapreno yung driver ng bus at sinundo na siya sa gitna ng kalsada nung driver na tinawag niya para ihatid siya dito sa bahay. Sa ngayon nakakausap ko naman siya at naiindihan ko kung bakit ganun nalang yung nangyari sa kanya - wag kang mag alala magiging maayos din siya. Hindi naman na siya tulad ng dati ngayon kasi nasanay na din siya na kasama lagi si Lungkot at Kamatayan. Ligaya, kamusta ka na?
No comments: