DAPAT MASAYA
Dapat talaga masaya ako ngayon eh. Dapat masaya ako kasi 3 months na kami ng boyfriend ko. Dapat masaya ako kasi natapos ko yung video na ginawa ko sa kanya kahit na wala akong tulog, sumakit yung kamay ko kakasulat at napagod ako sa sobrang dami ng takes. Dapat masaya ako kasi nakausap ko siya ngayon. PERO hindi ako masaya,
Ayoko ng pakiramdam na nasasayang yung effort mo tapos hindi naman naappreciate. OO nga sabihin na natin na ni-Like niya yung ginawa mo sa social site pero is that enough? Kelangan ba na ako lang yung gagawa ng effort? Ok lang sakin yung ganun pero sana naman he made me feel na naappreciate niya yung ginawa ko. Nalulungkot ako ngayon kasi kausap ko siya kanina pero all he did was to bully me. Pag nag I Love You siya ang sinasagot ko nalang is OK kasi naman I want him to feel how I feel nung mga times na ako yung nagsasabi nun at wala siyang reply. At least sa akin may OK na sagot.
Ang dami kong demands sa kanya pero hindi ko naman masabi kasi bawal magdemand sa kanya. Siguro isusulat ko nalang dito baka sakaling mabasa pa niya. One thing I noticed from the time na naging kami is that whenever I post something on his wall sa FB eh he erases it. Parang ayaw niya na naglulurk o nakikita ako dun. He never wanted me to tag him in his photos sa album ko pero pag sa iba ok lang. Nag message ako sa kanya pero lagi nalang akong seenzoned. Mas ok pa na di nalang niya basahin kesa ma seenzoned ako. Even sa text he won't reply kahit man lang ok o k kaya nga di ko na gaanong katabi yung phone ko eh pero if he's busy at least let me know naman diba. Kasi pag nagtext ako sa kanya, asahan niyo minuminuto ko yang titignan hanggang sa mag text siya. Yung In a Relationship status ko with him eh pending pa din hanggang ngayon. Minsan napapaisip nalang ako na proud kaya tong tao na to sakin o option lang niya ako? Bakit pa niya ako ginawang gf niya kung hindi naman pala siya proud sakin? Kung babalikan nyo yung mga blogs ko about dun sa future boyfriend letters ko eh nakalagay dun na gusto ko yung magiging bf ko eh proud na ipakilala ako sa mga friends niya at sa buong mundo. Nabaliktad yata. Ako nalang ang proud sa kanya. Yung tipong kaya kong ipagsigawan sa lahat na siya yung mahal ko. Nagtataka na din yung mga kaibigan ko kung bakit ganun pero ang sinasagot ko lang eh hayaan nyo nalang, give it time at mangyayari din yun. Nakakahiya pa ako para hindi ipagmalaki sa ibang tao? O sadyang di lang talaga kami magkalevel ng boyfriend ko na siya eh sobrang talino at ako eh aba no comment nalang. Eto nga at nasa process ako ng pagpapaganda baka sakaling pwede na niya akong ipagmalaki sa ibang tao. May point naman ako diba? Sinong GF ang ayaw na ipagmalaki sila ng BF nila? Wala diba.
Ayaw niya ng madrama ako pero sa totoo lang hindi naman ako madrama. Senstive lang talaga akong tao. Sa konting sigaw lang o sa konting pagkakamali lang eh bumibigay na ako agad. Kung minsan nag aaway kami di nalang ako nagsasalita. Umiiyak nalang ako agad. Ayoko sumagot kasi ayoko maging complicated yung mga bagay bagay. Minsan gusto ko na magsalita kaya lang nauunahan ako ng takot. Takot na baka magalit siya lalo sakin. Depende yun sa sitwasyon at sa kung anong pinag aawayan. Like for example the last time he was here in Manila, it was 2 days before he leaves Manila kasi uuwi na siya ng Bicol that we had a fight. I was crying but I told him I am not. he got mad at me because I was crying all the time. Napressure na ang lola niyo kaya ayun umiyak nalang ako ng umiya pero at the end I told him the reason why I cry kasi I hate people leaving. Biruin mo naman di ko na alam kung this month, or next month eh magkikita pa kami.
Ilang days nalang at magwowork na ako ulit. Gusto ko sana sulitin yung mga panahon ngayon na kausap siya kasi for sure magiging busy na ako. Kanina sabi niya umuwi daw muna ako sa Bicol sagot ko naman wag na muna. Mas ok na siguro na di ko muna siya makita kasi ayoko siyang mamiss ng sobra sobra kasi sobra na akong naattach sa kanya. Baka next year na kami magkita kasi may trip kami to Bora. Nakakamiss yung dating kami. Namimiss ko yung mga panahong kahit busy eh may time sa isa't isa at hindi yung tipong nagiging option nalang yung pagpaparamdam. Siguro kelangan ko lang talagang masanay na iba na ang lahat ngayon. May kanya kanyang priority ang mga tao. Minsan talaga kahit ikaw na yung number 1 eh hindi ka pa rin priority. Ang dami ko pang gustong sabihin. Gusto ko ilabas lahat ng nararamdaman ko. Gusto ko i vent out lahat ng ito.
Mahal na mahal ko yung boyfriend ko. Sobra sobra. Mas mahal ko pa nga siya kesa sa sarili ko. I don't know kung ano ginawa niyan sakin at sobra kong minamahal. Nagpaplano na ako ng future ko na kasama siya pero siya kaya iniisip din nya na ako yung makakasama niya sa future? Ngayon nga I'm trying all my best and putting all my efforts sa relationship namin to work out kasi ayokong dumating yung panahon na we will part ways at ayokong mangyari yun. I often told my best friend na kung pwede lang na mag asawa na ako eh gagawin ko kaya lang I still have lots of savings to do. Sa ngayon, ibabaling ko nalang muna sa pagbabasa ng libro ang mga natitirang panahon. Di na muna ako mag iisip sa kanya ng sobra sobra. Mababaliw lang ako. Hahaha Ang mahalaga lang sakin ngayon eh ipakita at iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya at walang iba kung hindi siya lang. Hindi na bale kung hindi mangyari yung mga gusto ko basta ang mahalaga eh gagawa ako ng mundong masaya na kasama siya. :)
Since nailalabas ko na yung mga rants ko eh time na siguro na mamahinga muna ako sa pagblog ko. I need some time for myself. Beautification process ika nga. Hahaha Salamat sa nagtyagang magbasa. Kung may opinion kayo o advice o kung ano pa man, comment lang kayo sa ibaba o kaya click nyo yung link sa FB ko na mahahanap sa right side ng blog ko at dun tayo mag usap.
Hanggang sa muli! Baboo! :)

No comments: