Pansamantalang Kilig
Pansamantalang kilig o tinatawag nating landian. Wala namang masama sa landian basta alam mo yung limitasyon mo pagdating sa pag lalansi lalong lalo na kung may karelasyon ka. Kailangan yung landian lang na nagpapakilig sayo. Kailangan malinaw sa inyong dalawa pareho na bawal lumagpas sa tinatawag nating boundary dahil ibang usapan na rin yun kung may mabubuong pagtitinginan. Yung iba tinatawag yan na "pseudo relationship". yun bang hindi kayo committed sa isa't isa. Alam ninyo pareho kung ano at dapat lang yung mga gagawin niyo. OO nag i love you kayo, mag i miss you or mga banats kay kokorni pero kailangan hanggang doon lang dahil nga siya yung taong "nagpapakilig" lang sayo. Bukod sa karelasyon mo, pwede din siya maging inspirasyon sa araw araw. Mas mabuti nga yun dahil madadagdagan yung rason mo na maging masaya. Pero wag mong kalimutan na hanggang diyan lang yan. Isaksak mo sa kokote mo na hindi yan ang taong mahal mo kundi yan ang taong pansamantalang nagpapakilig sayo.
Kung sa tingin mo nahuhulog na yung loob mo, ay aba umiwas kana dahil yan ang magpapakomplikado sa relasyon na meron ka sa taong mahal mo. Magiging komplikado dahil magdadalawang isip ka na sa nararamdaman mo kung sino sa tingin mo ang mas matimbang sa kanilang dalawa. Pero kung tutuusin hindi naman talaga dapat umabot sa punto na yun eh dahil sa una palang eh alam mong naglalandian lang kayo. Hindi mo rin masasabi na mas mahal mo yung nagpapakilig sayo dahil baka na attach ka lang sa mga pinaggagawa ninyo. Paano kung mawala yung kilig? Wala na. Mawawala rin lahat dahil wala kayong pundasyon ng pagmamahal. And the moment na mawala yun, maiisipan mong bumalik doon sa taong mahal mo na ngayon ay may mahal na ring iba. Kawawa ka! Yung landian na nauwi sa wala eh wala ng natira sayo. Kaya hinay hinay lang pag may time.

No comments: