“Ang hirap mong mahalin.”
“Ang hirap mong mahalin.”
Nasabihan ka na rin ba niyan?
Mga ilang buwan na rin ang nakalipas since sinabi sa’kin ‘to pero for some odd reason, ngayon lang ata talaga siya nagsink-in. Siguro kasi umuulan at masarap mag-emote habang pumapatak ang ulan sa bubong with matching background music. (Umamin na kayo. Ginagawa niyo rin ‘to.) Pero marahil naisip ko rin ito kasi narealize ko (finally!) ang masakit na katotohanan na mahirap akong mahalin at kasalanan ko rin ‘yun. At kung pinost ko man ito publicly, ito ay para sa ibang tao na aminado na rin na mahirap sila mahalin. Di ka na nag-iisa, friend. Dalawa na tayo. Tara magtayo na tayo ng club at tawagin natin itong MMC (Mahirap Mahalin Club). Pero ka-acronym ‘yun ng Makati Medical Center kaya mag-isip pa tayo ng ibang pangalan.
Pero ma-segue tayo bago maging dramatic ang lahat. May theory ako. Ang theory ko is ‘yung mga paborito nating mga karakter sa ating paboritiong palabas say something about our personality. Mahilig ako sa crime-romance at ang paboritong shows ko ay Castle at Bones. Shiniship ko ang Castle-Beckett (Caskett) at Brennan-Booth na love team. Pero syempre ang favorite na characters ko ay ang mga leading lady na sina Beckett at Brennan. At kung susundin ko ang theory ko eh talagang good luck na lang sa’kin dahil inabot ng fourth (4th) season finale bago nagkatuluyan si Caskett at inabot ng sixth (6th) season bago nagkatuluyan si Brennan at Booth. At kung one season is equivalent to a year, sumatotal inantay sila ng leading man ng 4-6 years. Buti sana kung kasing-ganda, sexy, talino at badass ko sina Beckett at Brennan na enjoy antayin ng 4-6 years, kaso sa pahirapan lang mahalin ako magaling makipagsabayan sa kanila. Saklap.
Mahirap akong mahalin, let me count the ways.
1. Hindi ako magaling makahalata.
Paglilinaw: Hindi ako manhid. Medyo may pagka-delayed telecast lang kasi may pagka-assuming ako. Assuming ako na mabait talaga ang lahat ng tao at mahilig sila magspecial treatment sa lahat ng kakilala nila. (Ha ha!) On a positive note, at least may isang taong bait na bait sa mga kawawang nilalang na ‘yan at malamang sa malamang, ako ‘yun.
2. Mas naniniwala ako sa sinasabi kaysa sa ginagawa.
Ansabe ng ‘Actions speak louder than words.’ sa’kin? Wala. Walang epekto. Kaya nga kapag tinatanong ako ng nanay ko…
“Nanliligaw ba si ano?”
Ang lagi kong sagot ay…
“Wala naman siyang sinasabi eh.”
Saya. Ha ha!
3. Gusto ko ‘yung hindi ako iiwanan pero ang nagugustuhan ko ay ‘yung iiwanan ako or malayo or emotionally just not there.
Kaya wala rin akong tiwala sa sarili ko pag may nagugustuhan ako eh kasi feeling ko iiwanan ako ulit. Medyo hindi maganda ang track record ko. Ha ha!
4. Gumagamit ako ng PROS and CONS table para madisiplina ang aking mga emosyon.
Mahirap pigilan ang nararamdaman kaya onset pa lang ginagawan ko na ng paraan para hindi tayo mapunta sa puntong walang bawian, walang balikan. Ayokong matouch move kung mali ang galaw. At mas madali pigilan ang nararamdaman kapag may visual reference at analysis na pwedeng balik-balikan kapag may moments ng panghihina ng loob.
‘Wag na natin pag-usapan ang Gantt Chart at ang Time and Motion Study. Pero effective din ang mga ‘yan sa kahit anong larangan ng buhay.
5. Ayokong nagpapasensya kahit lagi akong pinagpapasensyahan.
Isa sa pinaka-ayaw ko ay ang pinag-aantay ako pero lagi ko daw ginagawa ito sa ibang tao. Ang unfair ko lang. Sorry.
6. Kasing-tibay ng Great Wall of China ang trust issues ko.
Naiinggit ako sa mga taong madali mahulog ang loob sa isa pang tao kasi parang ang dali para sa kanila na ipagkatiwala ang puso nila sa taong maaring alam or hindi alam ang nararamdaman nila. There is a lot of strength in vulnerability. Parang sinabi mo lang, “Ganito ako saktan, hindi ganyan. Try mo ‘to! Ayan! Enjoy ka ha!” Samantalang ako, kailangan ng 2-3 seasons before my guards go down at usually by that time, too late na.
7. Hindi ako marunong mangailangan ng ibang tao.
Only child ako so nasa akin ang sapak ng panganay, bunso at middle child. Ganyan kaming mga only child, we’ve got it all for you! Dahil sanay na mag-isa, may pagka-independent kami to a fault kasi pag walang ibang gagawa ng isang bagay, alam naming walang mangyayari. Kaysa mang-istorbo ng ibang tao, kung pwede kayanin eh kakayanin. Medyo nakakahiya humingi ng tulong. Nakakahiya na magpakita ng kahinaan kaya mas madali magsarili.
8. Risk Taker ako sa ibang bagay except sa…
Kung anu-ano na ang pinasok kong kalokohan sa buhay. Matatawag na adventure ang iba pero mas matimbang talaga ang misadventure. Kalokohan nga di ba? At kahit na may takot ako kada hinaharap ko ang mga ganyan eh ginagawa ko pa rin, kahit na luhaan ako sa huli at mag-isang kumakain ng 2 Big Mac meals bilang pampalubag-loob. Pero pagdating sa romance business na ‘yan eh parang dinare mo ko na magbungee jump. Medyo takot ako sa heights.
‘Wag na natin dagdagan ang listahang ito dahil naaawa na ko sa self-esteem ko masyado kae-explain kung bakit mahirap ako mahalin kaya dapat hindi itry. I think gets niyo na.
Pero aminado naman ako na mahirap akong mahalin. Kung ako nga eh nahihirapan, mas lalo na siguro ang mga taong wala namang utang na loob sa akin at hindi ako obligadong mahalin.
Pero kung may good side sa’ming mga aminadong mahirap mahalin, hindi namin kayo pipilitin na mahalin kami dahil naiintindihan namin na mahirap nga kaming mahalin. Parang mas madali pa nga if you choose to leave kasi handa na kaming maiwanan. You know, sanay na. (Hashtag: HUGOT. Ha ha!)
Pero if someone chooses to stay with us, guaranteed na mahihirapan pa din sila sa’ming mga miyembro ng MMC pero di sila mahihirapan mag-isa. Mahihirapan din kami kasi hindi kami sanay na may magput up sa’min. Kaya naman araw-araw namin paghihirapan na patunayan sa kanila na tama ang naging desisyon nila. At gagawin namin ‘yan hanggang madalian sila na mahalin kami at madalian kami na mahalin ang sarili namin. Oh di ba? (Bumabawi. LOL)
Bottomline: Lahat ng tao kamahal-mahal, mahirap man o madali, no matter the topak, basta ba binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon magmahal at ibang tao na mahalin ka.
Hindi ko naririnig ko ang sarili ko. La la la la la.
This message will self-destruct in 3 seconds.

No comments: