Lungkot Kasi Eh

June 10, 2013
Gusto kong pumunta ngayon kung saan saan para mawala tong kalungkutan ko. Gusto ko uminom ng alak hanggang sa isuka ko na yung apdo ko. Gusto ko lumabas ng bahay. Kumain sa fast food o saan saan pa para di ako malungkot. Gusto ko mag joy ride. Yung tipong mag drive kahit saan kahit ilang oras mawala lang yung lungkot. Gusto ko magpunta sa beach para makapag isip. Yung tipong walang ingay at relax ang mga bagay. Gusto ko magpaka layo layo at kung ano ano pa. Gusto ko mapag isa. Lungkot kasi eh.

No comments:

Powered by Blogger.