Para Sa Aking Best Friend

June 02, 2013
Every girl wants a guy best friend. Ito yung tipong hindi mo kelangan maging fragile, reserved o umastang babae sa harap niya. Mas masarap sakyan ang mga trip nila at pagkasama na sila, we feel protected. Comfortable silang kasamaat kapag broken hearted ka, imbis na makidrama sayo eh sila pa yung magsasabing, "Ano, resbakan ko na ba?"

Sobrang swerte ko kasi nagkaroon ako ng best friend and take note best buddy ko pa siya at partner in crime na din. Bibihira kami magkita, hindi rin kami nagtetext, chat or tawagan kasi naka base siya sa Hong Kong. Pero kapag nagkita na kami anjan na lahat. Asaran, kurutan, harutan at kung ano ano pa. Kapag may problema ako, siya yung una kong sinasabihan hindi para matulungan ako kung hindi para may malabasan ako ng saloobin ko. Makikinig lang siya ng tahimik at hahayaan niya akong mag vent out. Ok lang sa kanya kung minsan eh mamumura ko ka siya kasi feeling ko sibrang tahimik niya at di ako pinakikinggan. At pagkatapos kong magkwento lagi niyang sinasabi na, "Ikain mo nalang yan!" Imbis na mainis ako eh matutuwa nalang ako. Nung nandito pa siya sa Manila, we always find time para sa isa't isa. Ang dami dami naming ginagawa pag magkasama kami. Natutulog kami ng magkatabi (wag lagyan ng malisya ok), video games hangga't di ko siya natatalo, food trip, kilitian at kung ano ano pa. Alam naman namin yung limitations namin kaya ok lang.

Sa di sinasadyang pagkakataoon naging kami ni Best Friend. Oo masaya sa umpisa na naging kami kasi sobrang kilala na namin yung isa't isa. Kaya lang may mga bagay na hindi na namin pwedeng gawin at ito yung mga bagay na nakasanayan na namin. Hindi na kami pwedeng matulog ng magkatabi kasi magkakaroon na ng malisya, hindi na kami pwede maiwan na kami lang dalawa sa isang kwarto (strict ang parents ko eh) at kung ano ano pa. In short, yung mga bagay na nakasanayan namin eh biglang nawala. Hindi ko na rin siya nakakasama ng halos 24/7 at sa puntong yun after 4 months of being in a relationship with my Best Friend eh we decided to stay as best friends. Walang hard feelings kasi we tried naman pero sadyang hindi kami ang nakatadhana na magsama. Magsasama lang kami bilang mag best friends. Naging masaya ako ulit, naibalik yung dating routine. Sobrang saya at biruin mo mas naging close pa kami sa isa't isa after the breakup.

Naging masaya kami pero dumating yung time na kelangan na niya umalis papuntang Hong Kong kasi nakahanap siya ng work sa isang 5 star hotel doon. Nalungkot ako ng sobra kasi wala na yung best friend ko. Wala na akong tatakbuhan sa mga oras na kumakalam yung sikmura ko sa madaling araw at wala na din akong kakulitan sa mga panahong wala akong magawa. Tinaggap ko nalang kasi para din naman sa kanya yun para matupad niya mga pangarap niya. 3 years ang contract niya dun sa Hong Kong at sobrang tagal nun para sakin. After ilang weeks nasanay na din ako sa set up namin na ganun. Lagi kami nag uusap sa skype at minsan pa nga pag nag facetime kami nagbebet pa kami na kung sino unang makatulog eh talo. Di parin nawawala yung mga kulitan at asaran namin yun nga lang monitor lang ang pagitan namin. At eto pa, lagi siya nagpopost ng picture ng sunflower sa facebook wall ko kasi alam niya na pag nakakakita ako ng sunflower eh nagiging super saya ako.


Hindi ko nalang namalayan na nagbabago na pala siya. Nagsimula yun nung nag start na akong magkwento sa kanya na may taong nagpapasaya sakin at nagugustuhan ko na din yung taong yun. Nagsimula na siyang mag post ng mga sweet things sa wall ko at kung ano ano pa. Di ko pinansin. Sinakyan ko lang. Then lumabas din pala yung totoo. Naging bitter si best friend. Di pa rin pala makamove on. OO madamot siya kasi di niya matanggap na iba na yung nagpapasaya sakin pero di ba niya naisip na kahit magka boyfriend ako eh siya pa rin yung magiging best friend ko. Hanggang dun nalang talaga yun. Nasaktan lang ako kasi ang sabi niya mag break daw muna siya. Ilang araw na siyang di nagpaparamdam at namimiss ko na siya. Siya lang kasi yung taong natatakbuhan ko sa mga panahong may problema ako. Pano pala pag pinaiyak ako nung taong mahal ko at wala siya? Eh di nganga nalang ako.

Gusto kong ibalik yung dati. Yung dating kami na makulit. Sana sa mga panahong nag bebreak siya eh masisip niya na yung best friend niyang si Kim eh kelangan siya. Miss na miss na miss ko na siya. Yung best friend kong tanggap ako sa lahat lahat ng meron at wala sa akin. Ayokong dumating sa point na maging strangers naoang kami sa isa't isa. I want my best friend back.

No comments:

Powered by Blogger.