Para Sayo Ulit FB

May 31, 2013
Isa sa mga gusto kong gawin natin pag magkasama tayo? Yun ay ang panonood ng movieskasama ka at nakayakap at nakasandal yung ulo ko sayo. Yung nag-aaway tayo sa panonoorin nating palabas pero masusunod pa rin ako dahil malakas ako sayo eh at mahal mo ako. Sabay tayong tatawa sa comedy na pinapanood natin. Kapag kinikilig ako dahil gwapo yung lalaking bida o ang sweet ng ginagawa nung lalaki sa babae, nagsasabi ka ng punchline na mas ka dun sa lalaking yun. Kapag napapaiyak na ako sa pa;abas, pupunasan mo yung luha ko at yayakapin mo ako dahil alam mong mababaw lang yung luha ko. Kapag horror naman yung pinapanood natin wag kang malikot ha. Wag kang magugulatin kasi mahahawa ako. Matatawa nanaman ako ng sobra sobra kapag natatakot o nagugulat ka. Pero don't worry love na love pa din kita.

Ang sarap lang sa feeling na kahit simple lang yan eh nagiging masaya tayong dalawa. Di na talaga ako makapag antay na mahalin ka.

Ang iyong Future,
Kim

No comments:

Powered by Blogger.