US

September 01, 2013
May mga sandaling kagaya nito na tila ayaw ko nang matapos. ‘yung tipong kahit ngayon lang, tumigil man lang ang oras, huminto kahit saglit ang pag-ikot ng mundo. Gusto kong sulitin ang mga pagkakataong ganito. ‘yung ngiti kong abot tenga ngayon, baon ko hanggang sa mamayang matulog ako. Kahit ako, walang kasiguraduhan kung mauulit pa ba ‘to. Basta ang alam ko, masaya ka, masaya ako, masaya tayo. Kaya sulitin na natin ‘to.

No comments:

Powered by Blogger.