Ang Babae

September 07, 2013
Ang mga babae? Gusto nila lagi mo silang nilalambing. Bakit? Kasi mas feel nilang mahal mo sila kapag palagi mo silang nilalambing, mas nararamdaman nilang importante sila sa buhay mo. Pansinin mo kapag nagkakatampuhan kayo o awayan. Hindi niya sasabihin sayong lambingin mo siya, mahirap malaman kasi tatahimik lang sila. Mahirap maapuhap kasi wala silang sasabihin pero may mga gestures sila. Kunwari, hahawakan mo yung kamay niya pero hihilahin niya yun paalis sa kamay mo. Hindi naman talaga siya galit ee, gusto niya lang na lambingin mo pa siya. Konting pilit pa mga ganun. O kaya kapag niyakap mo siya sa likuran, hindi yan iimik kapag magsosorry ka pero nakangiti talaga siya nun nung niyakap mo siya at ibinaon mo yung ulo mo sa may balikat niya habang nag-sosorry ka o nagpapaliwanag ng side mo. Meron pa minsan na tatalikod sila sa inyo dahil tinitiis ka niyang di kausapin dahil nagtatampo siya sayo kahit na gustong-gusto ka na talaga niyang kausapin. May mga pagkakataon pa ngang kapag mas mataas ang pride ng lalaki ang mga babae na ang unang umiimik dahil ayaw niyang matagal kayong nagkakatampuhan o nagkakagalitan dahil ayaw niyang maramdaman mong mataas ang pride niya at kaya ka niyang tiisin. Ang mga babae kahit nasasaktan sila ngingiti pa rin yan sayo dahil ayaw niyang magmukhang nakakaawa sa harapan mo. They are fragile but they keep hiding it and show their fierce side. Para nga naman kasi hindi sila maapi agad-agad. Isipin niyo, ang mga babae hindi naman talaga mahirap espelengin ee hindi niyo lang siguro magets kung anong gusto naming iparating. Para kaming subject na logic, kailangan mo ng common sense at super duper na pagpapasensya at pag-unawa. Hindi mo siguro napapansin pero ang mga babae? Isang lambing mo lang diyan bibigay na agad ee. Lalambot agad yung puso nila at papatawarin ka kaagad. Pero hindi sa lahat ng bagay palaging sila ang magbibigay. Napupuno rin sila paminsan-minsan. Ganito ang ibang part ng ugali ng mga babae. Naiintindihan mo na ba? :)

1 comment:

  1. Gusto Online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Powered by Blogger.