Truth

September 04, 2013
Hindi sa lahat ng oras kaya kang pasayahin, intindihin at lambingin ng taong mahal mo. Minsan mapapaiyak ka din niya, magtatampo din siya, maiinis sa’yo, o di kaya’y magagalit.

Normal lang naman yun sa isang relasyon, hindi sa lahat ng oras masaya at walang problema, hindi sa lahat ng pagkakataon perpekto lagi ang pagmamahalan niyo, mayroong hindi pagkakaintindihan, nag-aaway paminsan-minsan. Tao lang din naman tayo, nagkakamali, may nasasabing hindi tama, hindi tayo manhid para palampasin lang ang lahat ng bagay na nangyayari satin, lalo na’t naaapektuhan tayo dahil mahal natin yung tao.

Ang pagmamahal hindi puro kaligayahan lang yan, makakaranas ka din ng kalungkutan at maari ka ding masaktan, dahil marami kayong pagdadaanang pagsubok, kung hanggang saan ba ang kaya niyong tahakin na magkasama, kung gaano kahaba ang inyong pasensya, kung makakaya niyo pa ba ipaglaban kung anong meron kayo.

Dahil kung kayo talaga, at handa nyo talagang harapin ang lahat ng darating na pagsubok at problema, habang lumalaon ay titibay ang pundasyon ng inyong relasyon. Kaya huwag mangamba kung paminsan-minsan ay nagkakatampuhan o nag-aaway kayo ng taong mahal mo, siguraduhin niyo lang na kaya niyong ayusin ito.

No comments:

Powered by Blogger.