PAG IBIG

August 13, 2013
Sa pag-ibig, puso ang tumitibok, hindi mata. Pag-ibig ay yung mahal mo ang isang tao bilang sya. Pero syempre, kung may mali sa kanya, tulungan mo syang baguhin ito. Yung kahit maraming kulang sa kanya, mahal mo parin. Kahit hnd sya perpekto, sya padin hinahanap mo. Hindi namn masusukat ang pagmamahal eh. Kung tunay ka kasing nagmamahal, hindi mo susukatin yan, magmamahal ka lang ng magmamahal. At kung tunay kang nagmamahal, hindi mo maipapaliwanag kung bakit mo mahal ang isang tao.

 Nang dahil sa pag-ibig, maraming tao ang Masaya. “Love makes the world go round” nga daw diba. Masayang magmahal lalo na kung mahal ka din ng mahal mo. Masaya na importante ka sa taong importante sayo. Masaya kung ganyan. Seryoso. Kapag nagmahal ka, Masaya ka na pag Masaya yung mahal mo. Yung tanging gusto mo lang ay yung pasiyahin yung taong mahal mo. Sa pagmamahal, di importante ang pagastusan, yung magagarang gamit, estado ng pamilya, o kahit ano pang eklavu. Ang importante yung nagmamahalan kayong dalawa ng totoo. At sa pagmamahal, mas makahulugan ang mga maliliit na bagay na nabibigay sayo ng taong mahal mo.  

Pero mahirap din naming magmahal. Hindi palagi Masaya. Kaya yung iba, pinipili nilang mag-isa dahil takot na silang magmahal ulit, nagsasawa nang maloko at napapgod nang umiyak araw arw. May mga tanga din naman sa relasyon. Yung tipong ginagago ka na, kinikilig pa rin. Pero masisisi mo ba yung mga ganyan? Kung ang ginagawa lang naman nila ay magmahal ng totoo. Yung kahit ilang katarantaduhan na ang gnagawa sayo, di mo pa rin magawang iwan at pinapatawad mo pa rin. At anong matindi? Mahal na mahal mo pa rin.

No comments:

Powered by Blogger.