Alam Mo Ba?

September 08, 2013
Alam mo hindi mo lang talaga alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw na ito kasi nakausap kita. Kagabi sobrang paranoid ko kasi di ka nagrereply sa mga messages ko tapos bigla kong naalala na busy ka nga pala. At least sa konting minuto na nakausap kita eh sobrang saya ko talaga tapos sinabihan mo pa ako ng I Love You. Sobrang kilig naman ako. Sorry kanina kung medyo malungkot yung boses ko. Alam mo naman na sobrang miss na miss na kita eh. Gustong gusto na kita makasama ulit at naghihintay na yung sobrang higpit na yakap mula sakin. *insert big smile here*

Alam mo ba ulit, gabi gabi ako nag pray kay God na sana naman eh makahanap ka na ng work dito sa Manila. Ang hirap kasi ng magkalayo tayo. Minsan di ko maiwasang maparanoid. Pero sa ngayon na nadiyan ka sa Bicol at ako nandito sa Manila eh tiis tiis na muna ako. Pipilitin kong masanay muna sa text (kahit madalang) or sa paminsan minsang tawag. Basta ako buo ang tiwala ko sayo kasi sobra kitang mahal. Pagpasensyahan mo na kung dinadaan ko sa pagsulat lahat ng gusto kong sabihin kasi alam mo naman ito lang yung way ko to express myself fully at gusto ko updated ka sa mga nangyayari sa buhay ko. Hayaan mo I'm trying my best na sabihin sayo lahat lahat at hindi na susulat basta ba wala lang deadmahan o asaran kasi sobrang sensitive ako.

Alam mo ba ulit for the 3rd time, hahaha. It's been a week na and I'm noticing few changes sa katawan ko. As promised eh magpapaputi na ako diba? Medyo di na ako tulad nung last time na nakita mo ako na baluga. LOL Medyo nag light na yung kulay ko. Lumalabas narin yung colar bones ko. Nasa process na rin ako ng pagtanggal ng taba sa chan ko para naman pag nag Boracay tayo eh di naman nakakahiyasayo at makakapag suot na ako ng 2 piece. Next month magpapa ayos ako ng buhok ko para naman di na ako mukhang bruha. LOL Lagi narin pala akong gumagamit ng sunscreen at nagpapayong kapag lumalabas ako kahit hindi tirik ang araw. Hahaha

Alam mo ba for the 4th time eh pag nagsimula na akong magwork eh magsisimula na rin akong maipon para sa ating dalawa. Aalisin ko na yung mga luho ko o kung ano pa man. I wanna start building my future with you eh at sana ganun ka din. Ipon ka na rin para kung sakaling tayo ang magkatuluyan in the future eh di tayo aasa sa mga parents natin at di tayo nganganga. Magsisikap ako na matupad yung mga pangarap nating dalawa. Ay mali. Dapat pala magsikap tayo para matupad natin yung mga pangarap natin diba? Di narin ako naghahangad ng kung ano pa man. Ok na sakin na ikaw yung kasama ko sa pagtanda ko. Di ko kelangan ng magarang bahay, magarang kotse o kahit anong mamahaling bagay. Simple lang ang gusto ko at yung ay ang makasama ang taong mahal ko.

O mahaba nanaman ang nasulat ko. Baka sakaling maduling ka na sa pagbabasa. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at pangako ko sayo na kahit anong mangyari na kahit iwan ka na ng lahat eh ako nandito palagi sayo. I love you!


Love Lots,
Kiyam

No comments:

Powered by Blogger.