Dear Future Husband

September 17, 2013


Dear Future Husband,


Darating yung panahon na magiging matanda na tayo. Hindi na makakarinig ng maayos, hindi na makakapagsalita ng maayos, mahihirapan na tayong maglakad, nagiging mahina na tayo. Pero sana kapag dumating yung panahon na ito, mahal pa rin natin ang isa’t-isa. Gusto ko sanang dumating sa punto na sweet pa rin tayo sa isa’t-isa. Yung ginagawa pa rin natin yung mga bagay na ginagawa natin noong bata pa tayo. Alam kong hindi na maibabalik yung pagiging bata natin, pero sana kahit na matanda na tayo nandun pa rin lahat. Nandun pa rin yung pagiging maalaga mo, sweet, maalalahanin, pagjo-joke, yung pagsabi mo sakin na mahal mo ako, yung mga sweet words na sinasabi mo sakin, yung pakikitungo mo sakin kahit noong mga bata pa tayo. Sana hindi na yon mawala kapag dumating yung panahon na maging matanda na tayo. Kasi edad lang ang nagbago, hindi ang samahan nating dalawa.


Nagmamahal,
Ang Iyong Future Wife

No comments:

Powered by Blogger.