Part 2?

September 06, 2013
Sabi ko sa previous blog ko eh mamahinga muna ako sa pag post dito kaya lang eto nanaman ako at di ko mapigilan mag post. Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon. Ang dami kong kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong ikwento.

Nabasa na pala ni boyfriend yung previous post ko. Nagulat lang ako kasi di ko alam na binabasa niya pala itong blog ko o baka may nakabasa lang nung post ko at sinabi sa kanya na basahin niya. Non the less it's ok basta nabasa niya at nalaman niya kung ano yung hinanaing ko. At ngayon magiging Part 2 pa yata tong post ko kasi ang dami ko talagang gustong sabihin na hindi ko magawang sabihin sa kanya, Kung pwede nga lang na humingi ng 24 hours na kasama ko siya at yung oras na yun ay susulitin ko sa pagsabi ng lahat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya eh igrab ko na.

Masaya ako ngayong araw na ito kasi nagkatext kami kahit saglit lang. At least nalaman ko na magiging busy siya bukas at hindi na ako mag eexpect na magtetext siya or ako na mangungulit o magpapansin sa kanya. Masaya ako nung nagtext siya na namimiss niya ako pero sinabi ko nakakapanibago na sinabi niya yun pero deep inside may tears of joy na. Makabasa lang ako ng ganun sa kanya sobrang saya ko na. Mababaw lang kasi ang kaligayahan ko eh. Hindi ako nadadaan sa mga materyal na bagay. Simpleng I Love You o I miss you lang eh sobrang saya ko na. Mas sasaya pa ako siguro kung sasabihin niyang ako ang gusto niyang makasama sa pagtanda niya. *insert kilig here* Sobra sobra ang pagmamahal ko sa kanya. Madalas kong sinasabi na mahal ko siya kahit text lang para malaman niya na mahal ko siya at ok lang saking kung walang reply kasi naniniwala ako sa kasabihang it's better to give than to receive. Sa totoo lang namimiss ko na siya ng sobra sobra. Kung pwede lang talaga na makasama ko na siya eh gagawin ko na talaga. Napansin nga ng mom ko na ang lungkot ko nung mga nakaraang araw kasi sobrang pagkamiss ko sa boyfriend ko. Sabi pa ng mom ko eh dun nalang daw ako sa Bicol maghanap ng trabaho para lagi ko siya nakakasama at para hindi na ako malungkot. Gumagawa na rin ako ng paraan dito sa Manila na makahanap ng work para sa kanya para kasaman ko na siya. Biruin mo inuna ko pa yung pag eextract ng mga contacts ko at kakilala para makahanap ng work para sa kanya kesa sa pag aasikaso ng mga requirements ko. Ganyan ko kasi kagustong makasa siya. Kahit sungitan ako ng mga HR o ng kung sino pa pan dahil ako ang nagaayos at nagpapasa ng requirements niya imbes na siya sa telepono o sa hospital  eh ok lang sakin kasi nga gusto ko magkasama na kami dito sa Manila.

Kelan kaya kami ulit magkikita ng boyfriend ko? Pag nagkita kami ang unang unag gagawin ko eh yayakapin ko siya ng sobrang higpit as in sobrang higpit yung tipong ayaw mo ng bitawan. Sana kahit sa sylpe makita ko man lang siya kahit 1 minute lang at magiging sobrang saya ko na kaya lang wala namang wifi sa kanila at kung 3g man eh di rin pwede kasi mahina, Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya eh binabalikan ko nalang yung mga bagay bagay na masaya nung magkasa kami at sinasabi ko nalang sa sarili ko na one day hindi ko na kailangang balikan yun kasi makakasama ko na siya at ang bawat araw ay magiging masaya para sa aming dalawa.

Ang dami kong gustong sabihin talaga sa kanya ng harap harapan kaya lang natatakot ako kasi baka asarain nya lang ako, deadmahin o kung ano pa man. Sa tuwing magkakausap kami sa phone at tatanungin niya ako kung may gusto daw ba akong sabihin eh bigla nalang ako mananahimik at sabay sasabih na wala naman pero deep inside gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya, namimiss ko siya at kung minsan pa gusto ko pang biruin na pakasal na tayo (half meant). Hahaha Kung bakit naman kasi pinanganak ako na mahina ang loob ko kaya hindi ko nasasabi sa kanya yung mga gusto kong sabihin personally. Buti nalang at sa pag sulat eh nailalabas ko ang lahat ng nararamdaman ko. Pero susubukan kong baguhin tong ugalai kong ganito. Pipilitin kong umipon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang gusto ko at aalisin ko na yung hiya at negative vibes ko.

Di ko nanaman namalayan na mahaba na pala ang naisulat ko. Gabi na rin pala. Matutulog na ako baka mag check point nanaman si boyfriend at magalit nanman na di pa ako natutulog. Yan na muna sa ngayon ang masasabi ko. May gusto pa sana akong ikwento pero sa susunod nalang. Salamat sa pagbabasa.

Good night.

PS:
Baboy, kung binasa mo to aba Congrats. Hahaha jk. I love you non stop!

No comments:

Powered by Blogger.