Today

September 09, 2013
Masaya ang araw ko kanina kasi nagtext ka ng good morning sa akin kaya lang medyo malungkot ako kasi masakit ang katawan mo. Kung pwede lang sana ako magteleport papunta diyan sayo para alagaan ka eh ginawa ko na.

Siguro sobra ka ng naiinis sa akin kasi gawa ako ng gawa ng blog at lahat sinusulat ko dito. Nagtry ako kanina to confront oh not really confront but to ask question sa FB mo about some matters pero bakit ganun parang ayaw mo na nagtatanong ako tapos sasabihan mo pang galit ako. Sorry ha kung feel mo galit ako pero hindi talaga. Yan ang sinasabi ko eh. Kung sasabihin ko lahat pparang ang pangit ng dating sayo kaya takot ako eh. Gusto ko lang naman eh maging updated ka sa nararamdaman ko. Ayoko lang kasi na sabihin mo na wala nanaman akong imik o tameme na naman ako. Gusto kitang makausap ng masinsinan pero sa tuwing mag try ako eh mukang hindi nagiging maganda ang resulta kaya natatakot ako.

Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita at kahit anong mangyari eh nandito lang ako. Kahit mainis ka sakin dahil sa sobrang katangahan ko hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko. Alam mo ba na sa mga panahong magkahiwalay tayo eh pinipilit kong maging strong kasi ayaw ko na malaman mo na nalulungkot na naman ako. :)

No comments:

Powered by Blogger.