May mga lalaki talagang sa una lang nage-effort no?

September 20, 2013
May mga lalaki talagang sa una lang nage-effort no? Yung tipong.

PAG MANLILIGAW :

*Todo text ng “kain kana, wag magpalipas”
*Todo tawag, tas kakantahan, magpupuyat pa para makausap lang si nililigawang girl.
*Todo bigay ng kung ano ano. 
*Hatid-Sundo sa school/office o kaya naman pag magkikita, lamang si girl sa lapit ng meeting place. Tapos nauuna pa at mas maaga pa sa napagusapang oras
*Ang SWEET SWEET sa text/tawag at pag magkasama kayo.

PAG KAYO NA:
Mga tipong bago bago pang relasyon…

*Ang text nalang sayo “Una kana kumain. Busog pa ako, eatwell”
*Pag magkausap kayo sa phone, kwentuhan ng mga isang oras hanggang 3oras, kundi makakatulog, magsasabi ng rason at aantukin na bigla.
*Minsanan nlang magbigay ng luho sa girl, di katulad dati, kahit hindi monthsary o special day nagbibigay.
*Pag magkkita late ng 30mins, HALF WAY na ang meeting place. Tapos minsan hanggang sakayan nalang ihahatid si gf.
*Hindi na ganun ka-sweet dati. Tinatamad na at ang malupit pa. May iba nang priority di katulad noon, parang ang sobrang ginto mo sa kanya.

May mga ganyan talagang lalaki. Makuha lang ang matamis mong “Oo” at mapa-ibig lang si Girl nagpapaka kampante na, na parang hindi na kasi sila ganun kadaling iwanan ng babae. Sana naman consistent tayong mga lalaki hindi yung parang ferris wheel na sa una lang malakas yung ikot. Tandaan natin. LAHAT NG BAGAY MAY KATAPUSAN. Hindi mo alam kung yan relasyon mo kelan matatapos, kaya ibigay mo na ang lahat lahat, sa umpisa man o sa hulihan.

No comments:

Powered by Blogger.