Naranasan mo na ba yung pakiramdam na wala na kayong spark?

September 02, 2013
Yung wala na yung sweetness. Meron man, parang pilit nalang. Yung mga “good morning” messages, parang nakasanayan na lang kaya ginagawa. Yung minsan, nakakalimutan nyo ng mag”goodnight” sa isa’t isa. Yung umaabot sa puntong wala na kayong pakelam kahit magtampo pa sya. Yung pilit mong idinedeny sa sarili mong di na talaga kayo katulad ng dati. Yung kahit pilitin mong isalba yung relasyon nyo, wala naman nang patutunguhan pa. Minsan talaga, mahal na mahal mo nalang yung isang tao kaya di mo sya magawang pakawalan. Sa kanya na umikot ang mundo mo. Alam mo sa sarili mong pag nawala sya, siguradong di ka makakausad. Pero siguro, ganito lang talaga ang buhay. Makisabay ka nalang sa agos nito. Think positive nalang. Wala eh.Ganun talaga. Pag napaaga kang umibig, pumapalpak.

No comments:

Powered by Blogger.