Ikaw Na Nga

August 06, 2013
Saan ba ako mag-uumpisa? Kahit saang anggulo ko tignan, wala akong makitang kasiguraduhan na tayo talaga hanggang sa huli pero sisikapin kong maging maayos ang lahat sa atin. Akala ko sa pelikula o telebisyon lang makikitaan ng langit-ka-at-lupa-akong tipo ng mga senaryo. Hindi naman sa wala akong tiwala sayo, pero hindi ako maganda at hindi ako isa sa mga girl-of-your-dreams. Hindi ako sobrang mayaman. Ang tanging mabibigay ko lang sayo, ay yung pagmamahal na unti unti kong binubuo sa paglipas ng mga araw. Ang tanong, sapat na kaya iyon upang hindi mo ako ipagpalit? Upang kalimutan mo ang nakaraang nagpatibok talaga ng puso mo? Wala akong alam na isasagot sa mga tanong na iyan. Kung matapos man lahat ng ito (God forbid), syempre malulungkot ako at baka ikamatay ko pa. Sobrang ayokong mawala ka, sa dahilang nasanay na ako sa mga araw na kinukumpleto mo. Nakakalungkot pero ayoko nang magmahal ng iba kasi para sa akin ikaw na ang huli at ikaw na ang ihaharap ko kay Lord. Punyeta. Ang sakit sakit kapag nag-aaway tayo.

No comments:

Powered by Blogger.