Masaya

August 12, 2013
Masaya ako kapag nakakausap kita. Masaya ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag andyan ka sa tabi ko. Kumbaga, wala ng pantay yung kasayahan na naiibigay mo sakin kapag andyan ka. Ganun naman siguro kapag mahal mo yung tao diba? Kahit wala kayong ginagawa, basta kasama mo lang siya abot langit na yung saya mo. Doon pa lang, ayos na. Siguro, isa yun sa mga pointers kung siya na nga ba yung para sayo, kasi minsan diba, pag boring yung relationship, bumibitaw na lang, o kaya umaayaw na lang. Pero kung ganito naman, kung masaya kayo kahit wala kayong pinag uusapan, yung puro I love you na lang, siguro isa sa mga signs na siya na nga yun. Oo, di mo nga masasabi pero ang mahalaga, masaya ka sa piling niya kahit ano pang mangyari.

No comments:

Powered by Blogger.