Bilang Boyfriend at Girlfriend

August 05, 2013
Bilang Girlfriend, ‘Wag mo syang masyadong higpitan. Lalaki ‘yan. Normal lang na lumalabas sya ng bahay, umaalis kasama ng barkada o ginagawa yun hilig nya. Normal lang na umaalis ‘yan at mag papaalam naman ‘yan sayo kung pwede ba, kung saan sya pupunta at kung sinong kasama nya. ‘Wag ka masyadong mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano. Kahit malayo ka sakanya, ikaw lang naman yung mahal nyan. Hindi naman yan papatukso o titingin ng ibang babae lalo na kung mahal na mahal ka nyang talaga. Hindi ka naman lolokohin nyan. Mag tiwala ka lang sakanya lalo na kapag may mga lakad sya na wala ka o di kaya hindi kayo mag kasama. May mga kaibigan man yan na maloko o yayayain sya manchix, hindi naman papayag yan kasi loyal sya sayo at ikaw lang talaga. Ikukwento naman nya sayo anong nangyari at kamusta ‘yung araw nya. Kahit ano pang ginagawa nya, palagi pa ‘rin syang may oras sayo. Gagawa at gagawa ng paraan yan para mag kausap kayo, mag kasama kayo, mag kita kayo, etc. Gagawa ng paraan yan para maramdaman mong mahal ka nya. Minsan kasi parang bata din ‘yang mga yan. Hayaan mo lang syang gawin yung gusto nya. Katulad ng pag skate, pag lalaro ng dota o kung ano mang hilig nya. Alam naman nya yung limit nya at pag katapos non, sayo pa rin naman balik nyan. Parang bata na sa bahay pa rin ang uwi matapos ng isang mahabang araw. Gusto rin nyan nilalambing sya. Syempre, hindi naman palaging ikaw nalang dapat lagi. Gusto nya nararamdaman din nya kung gaano mo sya kamahal, kung gaano sya ka-importante sayo, kung gaano ka kasaya sakanya. Gusto nya yung niyayakap mo ‘rin sya. ‘Wag mo syang bawalang makipag kaibigan lalo na kung may kausap syang ibang babae. Hindi lang kayong dalawa ang tao sa mundo. Oo, mag aalala ka at pwedeng mag selos. Pero mag tiwala ka sakanya. Kung talagang mahal ka nya, hinding hindi sya mahuhulog at mag kakainteres sa iba. ‘Wag mo syang laging aawayin. Gusto nyan yung sweet ka sakanya. Gusto rin kasi nyan yung parang bine-baby din. May mga oras na mahina din sila, doon nila tayo mas kailangan at mas dapat maramdaman na kung gaano natin sila kamahal. Oo, lalaki sila. Pero katulad ng babae, fragile din sila. Kapag may away kayo, mukha syang walang pakialam pero nag-iisip din yan. Hindi lang talaga sila ganon ka-showy tulad ng mga babae. Pakinggan mo ‘rin sya, hindi pwedeng palagi nalang ikaw yung iniintindi nya. Gusto nya ipakita mo rin sakanya na importante sya sa’yo.

Bilang Boyfriend, ‘Wag mo syang ipag tutulukan palayo lalo na kapag nag tatampo sya. Gusto lang naman nyan lambingin mo sya. ‘Wag kang magagalit kung ganon sya bagkus intindihin mo nalang na namimiss ka lang nyan at gusto nyang yakapin mo sya. Mag papaalam ka sakanya kung aalis ka man. Kung saan ka pupunta at kung sinong kasama mo. Para hindi sya mag aalala sayo. ‘Wag mo syang bigyan ng dahilan para mag duda o mag-alala na baka may iba ka na. Lagi mong iparamdam sakanya na sya lang talaga ‘yung mahal mo at hindi ka titingin sa iba. May makakausap din yan na ibang tao o lalaki. Makakaramdam ka rin ng selos at pag-aalala pero lagi mong tatandaan at pang hawakan ‘yung sinabi nya sayong ikaw lang yung mahal nya at hindi mag babago yon. Kasi ang babae, kapag mahal ka, ikaw lang talaga at siguradong kilala ka ng mga kinakausap nya dahil ikaw ang bukang bibig nya. Kapag malungkot sya o nag seselos o kaya nag tatampo, yakapin mo sya. Iparamdam mo sakanya kung gaano mo sya kamahal, kung gaano sya ka-importante sayo at kung gaano ka nag papasalamat sa Diyos na binigay sya sa’yo. Intindihin mo sya lalo na sa mga panahong may masakit sakanya pero hindi nya masabi sa’yo. Pakikiramdaman mo sya, kilos palang, alam mo na anong problema. Lagi mong ipakita sakanya na mahal mo sya hindi ‘yung puro lang salita. Sabik din yan na makasama ka at makausap ka. Kaya lagi mo syang bibigyan ng oras. Okay lang makipag barkada, pero may girlfriend ka na nag hihintay sayo kaya dapat alam mo ‘yung limitasyon mo. Normal lang na madaldal yung isang babae. Kapag nag kwento sayo yan, kahit wala lang ‘yung kinukwento nya, pakinggan mo pa rin. Hindi naman nag rereklamo yan, kaya yan nag sasabi sayo dahil may tiwala sya sa’yo. Alam nyang maiintindihan mo sya at komportable sya sa’yo.

No comments:

Powered by Blogger.