Break Up

July 18, 2013
Break up?
Isang bagay na hindi maganda. Ayaw maranasan ng kahit sino syempre dahil masakit. Pero minsan kahit anong gawin mo mararanasan mo yan dahil parte yan ng growing up sabi nga nila. Kasama kapag nagmahal ka. Kung titingnan mo, hindi naman din solusyon ang break up sa mga problemang kinahaharap ng isang magkarelasyon o kung minsan pinagnanakot ang break up kapag hindi nabigay ang gusto. Nakakainis diba? Hindi maganda. Sensitive din kasi ang topic na break up para sa ibang tao. Gagawin ang lahat para hindi dumating sa break up ang isang relasyon pero kung kailangan at hinihingi ng pagkakataon wala naman tayong magagawa. 
Pero kung nagmamahalan naman at nagkakaron lang ng kaunting problema hindi sagot nag break up. Magisip muna ng solusyon, pagusapan ang problema hindi yung break kaagad tapos sa huli magsisi at iiyak. Pinahirapan niyo lang sarili niyo at pinakawalan ang taong mahal mo. Gat kaya at pwede ipaglaban lalo kung worth it naman.

No comments:

Powered by Blogger.