LIHAM 2

May 31, 2013
Dear Future Boyfriend,

Hello. Magandang umaga. Maaga akong nagising ngayon tapos ikaw agad yung naisip ko. Nasan ka na ba? Ako nandito lang naghihintay sayo. Ang aga ko nagising ngayon kasi nanood ako ng NBA. Siguro nanood ka din kasi halos lahat nalang nakatutok dun eh. Ang saya ko lang kasi nanalo yung Heat. :)

Tulad ng sinabi ko sa una kong sulat, kinikilig pa din ako sa tuwing naiisip ko na magkasama tayo as in tayong dalawa lang. Gusto ko pagnaging tayo na eh gagawa tayo ng mundong masaya. Yung talagang masayang masaya. Walang kasinungalingan at lahat totoo. Ang dami kong gstong gawin kasama ka. Gusto ko kahit saglit eh mkalimutan ko yung mundo ko at ang gusto ko ay isipin ang magiging mundo ko kasama ka at mga pangarap natin. As early as now gusto ko na malaman mo na ako na ang nagiging worst girlfriend mo pero I will be the sweetest one. Demanding ako, I demand so much. Seryoso ako. Hindi ko naman sinasabi na minuminuto mo akong itext or tawagan. All I want is yung matinong reply or updates kung ano na ang nagaganap sa buhay mo. Hindi ko rin sinasabing kelangan magkita tayo araw araw kasi nga tulad ng sabi ko sa unang liham ko eh di naman saakin iikot ang mundo mo. Ang gusto ko lang naman eh kapag may free time ka eh magkasama tayo. Magkahawak kamay at sabay mangangarap. Clingy din ako. Yes you heard it. Madamot ako!! Gusto ko akin ka lang. Ok lang talaga sakin kung aalis ka kasama ng mga friends mo especially yung mga boy friends mo pero please, yung aalis ka na may kasamang girlfriend at kayong dalawa lang sinasabi ko sayo, magready ka na sa World War III. Moody din ako at times. Yung tipong di namamansin tapos magiging melodramatic then ok na. Nagpapapansin lang ako kapag ganun so just give me a little attention. Minsan may pagka controlling din ako pero despite all this, I'm always there to listen to you, support you and love you.

Dito nalang muna ngayon. Di ako makaconcentrate sa ginagawa ko eh. Basta dito lang ako. Walang sawang maghihintay sayo.


Your future,
Kim

No comments:

Powered by Blogger.