Ang Babae

May 19, 2013

Kapag nasaktan na siya. Kapag nagawa na niya ang lahat para sayo at nabalewala mo ang lahat ng yun at nagising siya sa lahat ng sakit at sakripisyo niya. Wag mo siyang hanapin. Wag mo siyang habulin. Sa panahon na marealize mo na kailangan mo siya, siguraduhin mo. Siguraduhin mo na aayusin mo na ang lahat. Siguraduhin mo na aalagaan mo na siya. Pero tanggapin mo na magbabago siya. Na, hindi na siya tulad ng dati. Na, hindi na siya yung dating patay na patay at habol ng habol sayo. Pero siya na yung nasaktan mo at ingat na ingat na pagkatiwalaan ka ulit.


**credits to the owner

No comments:

Powered by Blogger.