LIHAM

May 30, 2013
Dear Future Boyfriend,

Hello ako nga pala si Kim. Walang surname kasi naghahanap pa ako. Baka sakaling ikaw na yun. Apply ka din bilang future husband ko ha. Saan ka na ba? Ang tagal ko ng naghihintay sayo pero huwag kang mag alala kasi mag aantay pa rin ako sayo. Gusto ko lang naman maranaasan yung feeling ng isang prinsesa tapos ikaw yung principe ko. Gusto ko na araw araw mo akong liligawa yung tipong araw araw akong kikiligin dahil sayo. Gusto ko din na tanggap mo lahat ng kabaliwan ko sa buhay at siyempre kasama na dun yung mga flaws ko. Gusto ko din maranasan na makatanggap ng mga love letters na galing mismo sayo kasi sobrang sweet noon. Sana din kantahan mo ako kahit alam ko na hindi kagandahan ang boses mo. Sorry kung demanding ako ha. Gusto ko lang naman maging masaya kasama ka. Alam mo ba kinikilig ako pag naiimagine ko na magkasama tayo.

Eto pa please lang wag kang mangako na di mo ko paiiyakin ha that's stupid kasi minsan hindi mo naman ginusto o hindi mo naman ako sinaktan iiyak pa rin ako. Cry baby kaya ako. Simpleng magay lang iniiyakan ko na. Masaya man o malungkot. Huwag ka na din mag promise ha kasi sabi nila promises are meant to be broken at ayoko na umasa ako sa wala at the end. Alam mo bang may tendency ako na umasa sa mga promises tapos pag hindi natuloy eh na didisappoint ako so better do it nalang. Hindi ko man gusto ang mga surprises gusto ko pa din isurprise mo ako at mamatay sa kakaiyak sa tuwa at kilig kasi ginawa mo yun.

Hindi naman talaga ako madalas magsulat ng ganito eh kasi ayokong mag mukhang paulit ulit na tila ba sinasabi ko lang ito para masabing matino ako. Ilang beses ko ng sinubukang magsulat ng ganito ng wala namang naiisip na tao pero sa tingin ko ngayon may naiisip na ako. Iniisip ko na ikaw na yung magpaparamdam sakin ng ultimate happiness at hindi dahil sa laro o biro kung hindi sa pagmamahal mo na totoo. Darating ang panahon na makikita mo yung ugali kong hindi ko pa naipapakita sayo noon. Siyempre hindi pa tayo comfortable sa isa't isa at nanliligay ka palang noon. Kung magkakaroon man ng pagkakataong itutulak kita palayo, please wag kang lalayo yun kasi yung mga panahon na talagang kelangan kita sa tabi ko. Wala akong pakelam kung may lalaking humarap sakin na sa tingin mo eh mas gwapo, matalino o mayaman kesa sayo. Kasi para sa akin, ikaw lang lagi ang nasa top ng categories na hinahanap ng mga babaeng tulad ko. Darating din ang panahon na mas masasabik ka sa laro, laro na kung saan makakabonding o makakasama mo yung mga kaibigan mo. OO magtatampo ako, OO maiinis ako pero iintindihin kita kasi akin ka pero alam ko may oras kang dapat ibigay sa iba at hindi lang naman sakin iikot ang mundo mo. Aangkinin kita pero hindi ibog sabihin eh sasakalin kita. Bakit ko naman ibibigay ang bag ko para hawakan mo eh mas gugustuhin ko pa na hawakan mo ang kamay ko.

Isip bata ako, maingay, makulit, masayahin, malungkutin at higit na lahat eh iyakin ako. Nangangagat di pala ako. (LOL) Sweet lover di pala ako kung di mo naitatanong. Mahilig ako sa horror movies kaya ihanda mo na yung sarili mo na kasama ako manood ng mga horror movoes with matching lights off pa. Pero alam mo ba na higit sa lahat ng mga nababasa mo ngayon eh ako lang naman yung taong pinapangarap mo tulad ng pagpapangarap ko sayo. Gusto na talaga kitang makasama, matitigan at higit sa lahat eh maidampi ang labi ko sa labi mo. Alam ko namang hindi ako perpekto pero pag nakilala na kita eh ilaw lang ang bubuo sa buhay ko at peperpekto sa pagkatao ko. Araw araw kitang pakikiligin. Hindi ko ugali yun pero para sayo gagawin ko huwag mo lang akong iwan. Hindi ko rin hahayaang malamon ng pride ko kasi para sayo dapat walang hiya hiyaat lahat ng sasabihin ko ay totoo. Pag nasasaktan na ako, nahihirapan o pag sobrang saya ko na at kinikilig yun malalaman mo  ng totoo. Ipagmamalaki kita sa lahat kahit na ano pa sabihin ng ibang tao ay wala akong pake.Gusto ko maramdaman mo na kahit ayaw nila sayo (GOD forbid) eh proud na proud pa din ako. Mahal ko ang mga tao sa paligid ko pero pag anjan ka na ikaw ang uunahin ko. Don't worry kung najan ang mga kaibigan mo. Di ako sisingit o mangengealam pero mas kikiligin ako kung isasama ko ako minsan at ipapakilala na ako yung taong bumuo sa missing piece ng puzzle mo. Pupunta tayo sa kahit saan, gagala at magpapakasaya. Tayong dalawa lang kahit ilang days o weeks pa yan. Di tayo mamomroblema sa gastos kasi sabay taong mag iipon. Ipapakilala kita sa pamilya ko at magpapakilala din ako sa pamilya mo. Magpapakasaya tayo at susulitin natin baway araw o panahon. Darating ang oras magkakahiwalay tayo ng lugar, anjan ka at andito ako pero hindi yun magiging sagal sa pagmamahalan natin sa isa't isa. OO magaaway tayo pero at normal na yun. Pag nalulungkot na ako o umiiyak na, isang hug lang at magiging ok na ako. Hinding hindi ko hahayaang maghiwalay tayo kasi para sa akin pag dumating ka na, ikaw na hanggang huli.

Madami pa akong gustong sabihin sayo pero hindi ko nalang isusulat. Alam mo ba kung bakit? Syempre gusto ko ikaw lang ang mismong makakaalam kung ano ako kapag ako na ang girlfriend mo.

Your Future owner este Girlfriend,
KIM


PS:
Huwag kang mambabae at sana katulad ng pagmamahal ko ganun din ang sayo. Hanggang sa magkaroon tayo ng madaming anak, hanggang sa pumuti na ang ating mga buhok, hanggang sa di na tayo makatayo. tayo pa rin ha?





No comments:

Powered by Blogger.