PARA SA MGA MAGAGANDANG DILAG NA NAGBABASA NITO

June 03, 2016

Sana makahanap ka ng lalakeng mababago yung pananaw mo sa buhay. 
Sana makahanap ka ng lalakeng mahal na mahal ka at nirerespeto ka.
Sana makahanap ka ng lalakeng hindi ka hahayaang magisip ng kung ano-ano. Yung hindi ka hahayaang maparanoid.
Sana makahanap ka ng lalakeng bibigyan ka ng assurance.
Sana makahanap ka ng lalakeng nararamdaman yung pagtatampo mo at alam nya din yung puno’t dulo noon.
Sana makahanap ka ng lalakeng hindi lang sex ang habol sayo. Yung tipong hindi ka ginagawang pasarapan. Hindi tulad noong iba na kapag nakaraos na hindi kana tinuturing na girlfriend.
Sana makahanap ka ng lalakeng pupuntahan ka kapag alam niyang mag-isa ka. Lalo na kapag nalaman nyang nagiinom ka magisa. 
Sana makahanap ka ng lalakeng hindi pipigilan yung passion mo sa isang bagay lalo na’t alam niyang may talento kang maipagmamalaki.
Sana makahanap ka ng lalakeng ikaw yung palaging bukambibig hindi lang dahil sa bago pa lang ang relasyon nyo, pero dahil sa marami siyang maipagmamalaking bagay tungkol sayo kahit na mababa ang self-confidence mo.
Sana makahanap ka ng lalakeng grabe mag-alala kapag hindi ka nya macontact o kapag wala kapa sa bahay. Yung hahanapin ka at ipagtatanong ka sa mga kaibigan mo kasi alam niyang babae ka at delikado na lalo pa’t dis oras na ng gabi.
Sana makahanap ka ng lalakeng makikitext sa iba kasi lobat na cellphone nila at alam nilang mag-aalala ka.
Sana makahanap ka ng lalakeng hindi ka sasaktan ng pisikal.
Sana makahanap ka ng lalakeng hindi ka papaasahin at marunong tumupad ng pangako.
Sana makahanap ka ng lalakeng walang pake kahit hindi ka maganda sa mata ng iba. Yung lalakeng sasabihin sayong maganda ka. 
Sana makahanap ka ng lalakeng hindi ka susukuan kahit na yung ugali mo kung minsa'y hindi na maintindihan. 
Sana makahanap ka ng lalakeng maganda ang kalooban hindi yung lalakeng gwapo nga ginagago ka naman.
Ito yung mga kadalasang hinihiling ng mga babae. Sana magising na tayo sa katotohanan.

No comments:

Powered by Blogger.