Dear Future Boyfriend (Again)

August 28, 2015
  • Ano kayang pangalan mo? Ano kayang apelyido mo? Bagay rin kaya yun sa pangalan ko?
  • Magkakilala na ba tayo or hindi pa? Araw-araw kitang iniisip kahit wala akong idea kung sino at san ka nakatira. Ako kaya? Iniisip mo ba kung kailan tayo unang magkakakilala?
  • Naiinip ka na din bang malaman kung sino ako? Kung sakali kayang magtatagpo yung landas natin? Sa jeep? Kasi sayo ko iaabot ang bayad ko? Sa S.M? Kasi habang naglalakad ka at di naman ako nakatingin magkakabanggaan tayo? Or kaibigan ka kaya ng kaibigan ng kaibigan ko? Paano ba? Sana ganon lang kadali yung makilala ka kaagad. 
  • Ano kayang hitsura mo? Singkit ka ba? Matangos ba ilong mo? Maputi ka ba? Matangkad ka ba? Kung hindi, okay lang hindi rin naman ako. Haha. Basta hindi na yun mahalaga, kasi ang importante yung kaya mo akong mahalin at mahahalin din kita. 
  • Nasan ka na kaya? Mga ilang tao pa ba yung kailangang dumaan sa buhay ko bago kita makilala?
  • May girlfriend ka ba ngayon? Kung meron, gusto kong sabihin sayo na nagseselos na ako pero sigurado akong magbebreak din kayo kasi akin ka lang! Sakin ka lang nakatadhana at tayong dalawa ang magkakatuluyan sa huli. 
  • Mama`s boy ka ba? Kung oo, okay lang sakin para atleast may idea kana kung paano masasaktan ang isang babae, siguro naman ayaw mo maranasan ng kapatid mong babae o ng mama mo maloko di ba? Kaya magtino ka sa sakin ha?
  • Mahilig ka ba magluto? Kasi mahilig akong kumain.
  • Uhm, clingy ka ba? Okay lang yun sakin. Ganun din ako, kaya magkakasundo tayo.
  • Hindi pa naman kita nakikita o nahahawakan, na-eexcite ako. Sana magkita na tayo. Sana magkakakilala na tayo. Sana magkatagpo na yung landas natin. Gustong gustong gusto na kitang yakapin.
  • I LOVE YOU ♥

No comments:

Powered by Blogger.