Masakit

June 04, 2014

Yung feeling na masakit. Di ko alam kung anong dapat gawin. Buti ka pa, masaya, kahit anong mangyari. Alam ko naman na kaya mong wala ako, nagawa mo nga, diba? Akala ko noon, magiging masaya na ako, magiging masaya na tayo. Pero bakit pa kailangang magbago ang lahat. Sana kaya kong maging isang mabuting tao para sayo at para wala nang rason upang maghanap ka ng iba. Alam ko naman na wala talagang magmamahal sakin, at yun yung napakasakit na bagay… Napakasakit. Wala na akong saysay sa mga tao, sa mundong ito. Wala na akong dahilan para mabuhay. Pero hindi ko ba alam, ako yung taong ayaw na ayaw maghintay at hindi ko alam kung pano kita nahintay ng ganon katagal. Yung 2 hours walang maka-usap at 2 hours na kausap lang ang TV na alam mo naman na di ako nanonood. Di ko nalang lahat yun Inisip. Ikaw at ikaw lang. Kung kamusta ka na ba at kung ano na bang ginagawa mo. Kung pupwede lang doon umiyak, apat na oras na sana maga mga mata ko. Miss ko na yung dati.. Yung dating tayo.

No comments:

Powered by Blogger.