Pinoy Ka Kung

June 07, 2014


Pinoy ka kung...


1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.


Nakakatuwang isipin na may mga bagay tayong naaassociate sa pagiging Pinoy ng isang tao. Madami tayong naiisip lalo na pinag usapan na ang mga Pinoy. Kakaiba ang mga Pinoy sa aking palagay kasi ang kultura natin ay pinagsama samang kultura ng mga banyaga na nilagyan nalang natin ng sarili nating twist. Maraming nagsasabi na kapag pinoy ka eh tiyak na maganda ang ugali mo pero bakit yun lang ang nakikita sa atin?


Likas na sa mga Pinoy ang bahala na attitude na kung saan eh ipinararating nito na kaiang i conquer ng mga pinoy ang anu mang bagay. Minsan sinasabi ding bahala na si batman o bahala na si Lord. Ito ay isang kaugalian na kahit hindi sigurado sa isang bagay o hindi napagplanuhan ay gagawin parin ang isang bagay na iyon at ang mga susunod na aksyon ay depende sa magiging kalalabasan ng nauna. Wala naman masama sa ganitong klaseng pag-uugali kaya nga lang eh nabibigayn lang ng maling kahulugan kaya nagmumukhang negative.


Isa pang ugali ng pinoy ang katapatan pero sa panahon ngayon eh parang unti unti ng naglalaho ang ugaling matapat ng mga pinoy. Kung makakakita ka ba ng ksang malaking halaga ng pera sa oras na ito at malaki ang pangangailangan mo sa pera, sa tingin mo na eg isasauli mo sa may ari ang perang ito? Sa palagay ko ay hindi. MInsan may mga pag kakataon na nagiging matapat pa din ang mga pinoy pero minsanan nalang ito siguro dala na rin ito ng pagiging makabago natin.


Marami tayong magagandang ugali pero huwag dapat nating hayaang maglaho o mawala ito. Dapat i-practice pa natin ng maigi ang mga magagandang kaugalian na sadyang likas na sa atin.

No comments:

Powered by Blogger.