Kapag hindi ka nagtetext, hindi tayo magkausap.

February 08, 2014
Madaming pumapasok sa isip ko, lalo na’t mahal na mahal kita. Nagaalala ako, hindi ko alam kung okay ka ba. Natatakot ako na baka mamaya kung sino na ang kasama mo. Nagseselos ako, dahil buti pa yung iba kasama mo, samantalang ako hindi mo maalala. Minsan hindi mo naman ako masisisi eh, kung bakit ako ganito. Bakit ayoko na ginagabi ka, kung bakit ayoko na natambay ka, kung bakit ayoko na may kasama kang iba.

Ayoko lang naman dumating sa punto na masaya ka na sa piling nila, na okay ka habang wala ako, na makalimutan mo na ako ng tuluyan, na dumating sa punto na hindi mo na ako kailangan.

Sana naiintindihan mo ako, mahal lang naman kasi talaga kita.

No comments:

Powered by Blogger.