Ang hirap magselos, lalo na kung yung taong mahal mo malayo sa'yo.

February 08, 2014
Wala akong laban. Wala akong laban sa mga taong nakakasama mo, sa mga taong nakakapagpasaya sayo, sa mga taong nakakausap ka, sa mga taong nakakapagpasaya sayo habang kasama ka nila. Wala akong laban na nandito, malayo sa’yo.
Bakit? Ano nga bang silbi ko? Ni hindi kita mapuntahan, ni hindi kita mapatawa ng mga joke ko, ni hindi ko mahilot kung saang parte ng katawan mo na masakit, hindi ko mapunasan mga pawis mo. Hindi ko magawa yung mga bagay na dapat ginagawa ko kasi girlfriend mo ako. Kasi nga wala ako dyan, wala ako dyan sa tabi mo.

No comments:

Powered by Blogger.