Distance

February 20, 2014
Alam kong malayo tayo sa isa’t isa. Hindi tayo nagsasama sa tuwing gusto natin. Laging text, tawag at social media ang takbuhan natin makapag-usap lang. Alam kong lahat ng to ay kulang sa ngayon, pero alam kong malalagpasan natin to. Distansya lang to. At walang-wala to kung ikukumpara sa pagmamahalang meron tayo. Bukas, makalawa, magsasama din tayo. At sa tuwing tatawag ka, tanging maririnug ko na lang, “Umuwi ka na, ready na ang dinner. :)”

No comments:

Powered by Blogger.