Yung Lalakeng....

January 06, 2014
Yung lalakeng araw araw akong liligawan. Walang araw na hindi nya ipapaalalang mahal niya ko. Hindi magsasawang gumawa ng effort para skin dhil malaki man o maliit, maaappreciate ko. Yung lalakeng ipapakilala ako sa pamilya nya ng maayos at hindi mahihiyang ipagmalaki ako sa kaibigan o tropa niya. Yung lalakeng sensitive sa mararamdaman ko kpag may kinausap o tiningnan siyang babae. Yung magiging suplado sa iba dhil wala siyang pakialam sa ibang babae sa paligid niya. Kasama man niya ako o hindi, magiging tapat siya skin. Walang tinatago at nililihim dahil may tiwala at mahal niya ako. Yung lalakeng pgkagising niya sa umaga, ittext ako. Para ipaalam saking ako ang unang niyang naisip sa simula plng ng araw niya. Yung lalakeng hindi magsasawang kausapin ako. Yung mgging interesadong kwentuhan ako ng mga nangyayari sa buhay nya. Yung dadamayan ako tuwing nkakaramdamam ako ng lungkot at tuwing masaya ako, papaiyakin pa ako sa tuwa. Yung khit nglalaro siya, ako pa rin ang mas iintindhin nya. Dhil ang laro libangan niya pero ako parin ang pag-ibig nya. Hindi niya kailan man ipaparamdam na may kulang kasi lagi niyang pupunuin ng pagmamahal ang buhay ko. Yung lalakeng mahilig sa surpresa, mahilig mgpatawa at mahilig magpakilig. Yung lalakeng kusang bibilhan ako ng paborito kong pagkain, di niya iisiping demanding ako pero dhil gusto niya ito. Yung tanggap ako kung ano talaga ako, wala akong kailangang itago o ilihim sakanya. Dhil walang bagay na kayang sirain yung pagmamahal niya sakin. Sa anung mang away o tampuhan, di nya naiisap iwan ako. Dhil nananatili at mananatili siyang matatag para skin at samin. Yung sa kahit anung kulit at psaway ko, hindi magsasawang intindihin at sakyan yun. Yung lalakeng may pakialam skin, mgseselos kapag may kasama o kausap akong iba at magagalit kpag may ktext o kchat ako. Yung iiyak kapag nasasaktan ka niya, hndi dhil mahina siya pero dhil hindi siya nhihiyang ipakita sayo ang nararamdaman niya.Yung lalakeng parating maiisip yung nararamdaman ko bago siya gumawa ng desisyon. Yung lalakeng kakantahan ako tuwing gabe bago ako matulog. Yung lalakeng magiging sweet at hindi magsasawang lambingin ako. Yung lalakeng iintindhin yung mga pagbabago bago ng mood ko. Yung lalakeng nandyan lng palagi para sakin, may problema man o wala. Yung magpaplano ng future nya na kasama ako. Yung sa bawat pangarap niya, nandun ako. At higit sa lahat yung lalakeng mamahalin ang buong pagkatao ko. Yung lalakeng makakasama ko habang buhay at sa kabilang buhay 😍😍😍

No comments:

Powered by Blogger.