shoot me!

September 25, 2010
sige na. suko na ko.
ako na nga ang pinakamasamang tao sa buong mundo.
para maramdaman ko ang hindi ko dapat maramdaman.
at para iparanas sayo ang hindi mo dapat maranasan.

bukas palad ko nang tinatanggap lahat ng pwedeng ihatol sa'kin ng langit.

ngayon iniisip ko, na sa araw ng aking kasal ay pwede akong
iwan ng aking minamahal. ibasura ng ganun ganun nalang.
may karapatan sha, pagkat ginawa ko nga naman sayo yan.

pay back time. 
sinabi mo nasana maramdaman ko, diba?
at alam kong kailangan ko nga matuto. kung yun ang paraan...

gudbye prince charming. 
pagkat ngayon palang, isinusuko ko na ang paghihintay.

ang paghahanap sa kidlat na bigla nalang kukuryante sa'king puso.
pagkat malamang, gawin niya skin ang ginawa ko sayo. 

kung natrauma ka dhil iniwan kita.
heto ako't natu-trauma sa fact na nangiwan ako't patuloy na sinasaktan ka.

hindi ko man nararamdaman ang sakit na yan.
naiintindihan ko naman. naiintindihan ko.

sa twing nararamdaman ko na ayus lang sa'kin.
sa twing na-re-realize ko na kaya kong wala ka.
sa twing ipinapaalala s'kin yung umagang nagising ako
sa katotohanang hindi na kita mahal.

unti-unti akong nagagalit sa sarili ko.
kasi alam kong ang sama sama.
alam kong mali. pero wala akong magawa,
kse yun ang nararamdaman ko. yun.

welcome karma!!!!
heto ko sa harapan mo, nagsusumamong barilin ako.

kung yun lang ang magpapakalma sa nararamdaman mo.
at dahil ipinamumukha mo sa'kin na deserve ko yun,
at dahil alam kong may punto ka, kse totoo namang karapatdapat ako dun.

kaya para quits. hala cge.
bathala na.

hiniling mo sa akin na burahin lahat ng naisulat ko tungkol sayo.
kung mas makabubuti [pero gaya nga nang sinabi mo, wala ng makabubute ngayon],
gayun paman, gagawin ko. pero hindi ko maipapangakong lahat.
masasayang sandali yun na kasama kita. mahirap. wag mo nalang cguro
basahin o kaya balikan. o kung anuman.

umaasa parin akong mapatawad mo.

nasana yung galit mo sa'kin, mag-ugat ng isang positibong bagay.

hindi man natin maintindihan ngayon.
sa takdang oras magiging malinaw ang lahat.

masama ako't sinaktan kita.
alam ko yan. alam na alam ko yan.

im so sorry! sobrang sorry!!!

kung bakit ako nagkaganito at kung bakit kita nasaktan.

ganun pa man gusto kong malaman mo,
nabaon ko ang isang napakalaking karangalan
na mahalin mo ng todo.. salamat.

pero hanggang dito nalang.

No comments:

Powered by Blogger.