Wala Na Akong Ibang Choice

July 15, 2014

I have to move on. Wala namang mangyayari sakin kung ipipilit ko sarili ko sa taong walang pakialam sakin. And for the record, marami pang pwedeng mangyari sa buhay ko. Ang totoo, natatakot ako sa future ko. Matagal ko ng naiset sa isip ko dati na bahagi ka na nito. Pero ngayon wala na talaga. I can’t even see myself with anyone. I’ve always thought na our promises and plans would still be possible. Na one day you’ll realize that what we had was genuine love. But maybe, what I assumed was a one sided plan. It’s only me who thought everything was perfect. That everything would be just fine as long as I give everything to make this right. Sobrang nagsisisi ako. Kasalanan ko na minahal kita ng sobra. Kasalanan ko na nasasaktan ako na malaman na may iba ka na. Kasalanan ko na magassume na posible pa na mahal mo ko. Hindi ko alam kung may mukha pa kong ihaharap sa mga tao. I feel betrayed. I feel left behind. Wala na kong magagawa. Hinding hindi na kita kayang harapin. Pag dumating ang oras na magkita tayo, malamang hindi ko mapigilan emosyon ko. Lahat ng bagay na magpapaalala sakin sayo, ipamimigay ko na at itatapon. Wala akong ititira. Ako ang dapat umayos sa sarili ko. Hindi naiintindihan ng ibang tao ang nararamdaman ko dahil hindi naman sila ang nasaktan, hindi sila ang nagmahal ng sobra, at lalong hindi sila ang ipinagpalit. Galit na galit ako, sobra akong nasasaktan. Isang maling tingin o galaw ko lang sa gamit ko, maaring mabaliw na ko. I have to take care of myself, higit sa lahat ako lang ang magsusuffer.

Starting this moment, unti unti kong buburahin lahat. Ang memories, ang lambingan, ang kwentuhan, at lahat ng napagsaluhan natin. I’m so dumb to give you EVERYTHING. EVERYTHING na wala akong kaya pang ipagmalaki sa ibang tao. Sobrang hirap. Siguro nga, I have to learn it in a hard way. You being with her might be the hardest way. I swear, IT’S THE HARDEST WAY. Hardest way to make me f*ckin realize that we’re over. FUCK! It’s so hard to admit. SHIT. ANG SAKIT SAKIT. Tangina, bakit ko pa to naranasan? Ang hirap hirap. Wala na kong ibang masabihan, paulit ulit na ko, para kong tanga. Tangina talaga, bakit ba nauso ang break up? Bakit pa nauso ang relationship? Shit, I can’t focus on anything. It’s so hard!

Ano ba dapat kong gawin? Magpretend? Yun naman ang gusto makita ng tao di ba? Pag nalulungkot ka o nagdadrama maiinis sila. So ano pang use na magshare ka sa kanila kung kaiinisan ka lang. Fine, I’ll show you guys what you want to see. Moved on ba? Fine. Ang saya ko SOBRA!

No comments:

Powered by Blogger.