MABUTI NA LANG TAKEN AKO

July 04, 2013
Kahit na anong oras, may someone akong mahihingan ng kiss—sa cheeks, sa leeg, sa noo, sa ilong, sa lips. May someone na pwede akong titigan kapag may love song akong narinig. May someone na pwede kong pahigain sa lap o sa shoulder ko, at ganun din ako sa kanya. May someone na pwede kong yakapin, akbayin, at buhatin, May someone na pwede kong amuyin ang leeg, buhok, kili-kili at kamay. Mabuti na lang taken ako.

Kahit na anong oras, may makaka-text ako ng, “Good morning", “Nasaan ka?", “Naisip kita bigla", “Kumain ka na ba?", “Anong ginagawa mo?", “Labas tayo", “Good night", “I love you". In short, buhay na buhay ang inbox at sent items ko. Mabuti na lang taken ako.

Kahit na anong oras, may pwede akong angkinin at may someone na pwede ko ring angkinin. Bawal maagawan—lalong bawal magpaagaw. Damang-dama ko na mahalaga ako kasi mahal niya ako. Mabuti na lang taken ako.

Kahit na anong oras at kahit saan, may makaka-holding hands ako. May makakasama ako lagi sa picture—kaya malalaos ang salitang “selfie" sa buhay ko. May makaka-share ako ng pagkain—may pwede akong subuan, at may pwedeng magsubo sa’kin. Mabuti na lang taken ako.

Kahit na anong oras, may mayayaya ako. Pwede man siya o hindi, at least may mayayaya ako. May mayayaya akong lumabas o makasama sa bahay. May instant partner ako sa lahat ng gusto kong gawin—sa laro, sa panunuod ng TV, sa pagtulog. At pwedeng magising na lang ako bigla na may humihimas na sa ano ko—sa likod ko o kaya sa bunbunan ko. Mabuti na lang taken ako.

No comments:

Powered by Blogger.