[19.07.10] ONE Gentledog
Oh la chika! Isang magandang umaga sa aking masugid na mga mambabasa. Ngayon naisip kong ibahin ang tema ng blog ko. As you can see, taglish na ito kasi naman pag english eh parang napaka formal and it'd like super hirap mag express ng saloobin o kung ano pa man.
Maganda na nakkaloka ang naging araw ko. Biruin mo naman paggising ko mismo ng 8:00am eh hindi ko malaman kung ano yung sumapi sa tyan ko at BINGO! may LBM ako! Naisip ko lang kung ano ba ang nakain ko kagabi at nagkaganito ako. Okay rewind tayo.
Sabi ng doctor namin eh importantang pagkain ng breakfast and you can eat everything and anything you want so ako naman eh go lang ng go kaya kumain ako ng malamig na champorado with matching super daming milk, coffee, dinner rolls and fresh milk. Ohan champion ang agahan ko. For lunch alam ko eh hindi ako kumain pero nagluto ako ng menudo kasi yun ang instruction ni dad sa akin since may mga trabahador sa bahay dahil nga nung bagyong bashang. Shoot! Kumain pala ako ng saging, and lastly for dinner, ayy late na pala yun kasi I was hooled with this online game called iDate. Basta online game sya na susubukin ang bilis ng mag daliri mo sa pagpindot ng mga arrow keys habang sinasabayan mo ang mabilis na beat ng music. Hindi lahat ng music dito eh mabilis. May mga mabagal din pero di gaya ng mabilis na realize ko na mas boring at walang challenge yung mabagal na music. Let's get back to business, dinner ko ay late at ang kinain ko eh yung niluto kong menudo and leftover lumpiang shanghai plus rice. Di naman panis or what yung kinain ko pero bakit ako nag ELBEE-EM? Tatawa nalang ako! HA HA HA HAHAHAHAHA
*****************************************************
Sa tuwing papasok ako sa school eh palagi akong nag cocommute. Oh diba nagulat kayo at nagcocommute ako. OO nagcocommute ako. magmula sa bahay namin papuntang terminal ng bus eh sumasakay ako ng tricycle at syempre bus papuntang school na mag karatulang Lawton/Sta.Cruz/Buendia/Baclaran. Mahigit dalawang oras din ang nilalaan ko sa byahe mula bahay hanggang La Salle at di pa kasama dyan ang trafic. Hindi naman ako nalelate pero minsan eh tinatamaan ako ng katam. Ngayong term nga eh lampas na ako sa limit na 5 absences sa 8:00 am class ko every monday and wednesday kasi naman sobrang nakakatamad. Biruin mo kailangan kong umalis ng bahay ng 6:00 am tapos ang gising ko eh 5:00 am. OMG! Parang highschool lang ha. Anyway, salamat sa prof ko na hindi nagchecheck ng attendance at walang pakelam kung pumasok ka o hindi basta ang mahalaga sa kanya eh magpasa ka ng mga paper works at book reviews.
Papauwi na ako nung hapon na yun. 4:30 pm na. 4:10 ppm kasi natatapos yung last subject ko. As usual pag ganung oras eh punuan na yung mga bus na dumadaan sa harap ng school so I decided to take a bus na kahit tayuan na. No choice ako kasi gusto ko na talagang umuwi. So standing na nga. It ws around Vito Cruz when a guy kept calling , "Miss, Miss, Miss." for several times. I ignored him kasi naman baka hindi ako yun at ang layo ko kaya sa kanya. anyway, nagulat ako. He called out like, "Miss, ikaw na naka blue na polo shirt!" And my eyes started to wander around and shoot ako nga lang yung girl na naka blue na polo shirt. "Miss, dito ka na maupo." Napatingin ako sa kanya. He smiled at me while I was approaching the seat. I said thank you and he smiled again. Grabe super layo pa ng babaan nya and he offered his seat for me and it was like super puno na sa bus. He was kinda cute and I think he's nice then I proved myself na may gentleman pa pala sa mga panahong ito. Sobrabng saya lang. Sayang nga I never got the chance to ask for his name or what. HA HA HA
Magkita pa kaya kami ni Mr. Gentleman? Siya na ba ang tadhana ko? Abangan natin kung sa susuond na pagsakay ko ng bus eh makasabay ko ulit sya. At malay mo kung magyayare eh ang magiging title ng love story namin eh "Byahe Patungong SM" HA HA HA ( sa SM kasi kami parehas bababa.) Abangan nalang natin dear readers. Salamat sa pagtyaga. I LOVE U!
Lots of LOVE,
Kim ♥♥♥
di mo na ulit makikita yun, hehe joke lang. Peace!
ReplyDeleteeh di hindi!!!
ReplyDelete