ANG PAG_IBIG

April 17, 2013

Kapag nagmahal ka, ibigay mo ang pagmamahal mo nang buong-buo. 100%. Hindi pwedeng 50/50, 40/60 o 30/70. Dapat 100% sigurado ka sa nararamdaman mo. Hindi mo na kinakailangan pang magtira pa para sa sarili mo kasi kapag nagmahal ka, yung atensyon at pag-aalaga mo andun lang para sa taong mahal mo. In return, yung taong yun naman ang bahalang mag-alaga sa’yo. 
Ang pag-ibig ay isang napakagandang bagay. Ang sarap-sarap magmahal lalo na kung yung taong mahal mo ay minamahal ka din, mung minsan nga higit pa dun sa pagmamahal mo para sa kanya. Kaya dapat iniingatan at inaalagaan din ang pagmamahal nyo para sa isa’t-isa. ‘Wag na ‘wag kayong gagawa ng isang bagay na pwedeng ikasira ng relasyon nyo. Gawin nyo ang lahat para magtagal kayo. Sa lahat ng gagawin mo, isaisip mo muna yung mararamdaman ng partner mo kasi sa lahat ng ginagawa, apektado sya. Kaya kung ayaw mo syang masaktan, umiwas ka sa mga bagay na alam mong makakasakit sa kanyang damdamin at makapaglalagay sa relasyon nyo sa alanganin.
Tandaan mo, marami mang babae/lalaki na pwedeng-pwede mong ipagpalit sa kanya pero nag-iisa lang sya na tunay na magmamahal sa’yo nang walang anumang kapalit. Kaya kapag nagmahal ka, panindigan mo. Ipaglaban mo sya at ang relasyon na meron kayo. Gawin mo ang lahat para mapasaya mo sya sa mga panahong magkasama kayo at kahit sa mga panahong hindi kayo magkasama. Iparamdam mo sa kanya kung gaano ka kaswerte na minahal ka nya. Iparamdam mo sa kanya na nag-iisa lang sya sa puso mo at yung relasyon ny hindi lang basta magtatagal, kasi walang katapusan yun.

No comments:

Powered by Blogger.